Kabanata 54 "Baby, enough. I am here.. for you." Sabi sakin ni Kenzo at saka niya inabot sakin yong isang baso ng tubig pero umiling lang ako at saka tumingin sa mga paa ko. "Sige na, para naman mahimasmasan ka. Kanina ka pa iyak ng iyak eh. Tignan mo yong mga mata mo ang liit-liit na." At saka niya pinunasan yong mga luha ko. Agad ko naman siyang niyakap. "Bakit ganun.. bakit ganun Kenzo? Simpleng salita lang niya sobra-sobrang sakit na 'tong nararamdaman ko?" He cupped my face at saka niya pinagdikit yong mga noo namin. "Baby kasi pareho nating alam na hanggang ngayon mahal na mahal mo pa din siya." Malungkot na sabi ni Kenzo. "Nakakapagod palang mahalin siya, pagod na pagod na din akong masaktan." "Nandito naman kasi ako eh, ako nalang mahalin mo." At saka pumiyok yong boses ni Ke

