"Doon daw tayo sa bar ni Wayne!" si Lucas habang binabantayan ang anak nito na si Angel. "Your child is here, ganyan ang lumalabas sa bibig mo." si Theseus na nakaupo sakanyang swivel chair. We're here in his office. Ito na ang lagi namin nakagawian. Maging tambayan ang office ni Theseus. "Mag papainom ba si Wayne?" tanong ko. Umangat ang tingin ni Theseus, parang may narinig na hindi kapa-kapaniwala. "Kailan mangyayari 'yon?" umiling ito 'saka binalik ang tingin sa laptop "Kuripot 'yon" "I agree with that." sagot ni Ronnie, na kung hindi nag salita ay hindi namin mararamdaman. Wala namang kaso saakin na pumunta. Sa totoo lang, kanina ko pa binabalak. Sumasakit ang ulo ko sa mga bilin saakin ng magulang ko. "What's up? Mukhang kailangan mo ng babae ah." tukso ni Lucas. Tumi

