Kabanata 23 Tatlong araw at dalawang gabi ang seminar. Ito ay tungkol sa pagiging good leader, ang mag-t-talk ay 'yong mga taong nasa posisyon namin dati. Mabuti din itong seminar na ito, dagdag kaalaman. Hawak ko ang malaking maleta pag kababa sa SUV. Malamig na hangin ang sumalubong saakin. Hindi pa naman siguro ako late, may 30 minutes pa bago mag 4am. "Mag ingat Danica.." bilin ni Mom sa gilid ko. Katabi nya si Dad. "Opo Mom. Tatlong araw lang naman yon." "This is your first time na sumama sa seminar na tatagal ng 3 days princess kaya nag aalala din kami ng Mom mo.." si Dad. Ngumiti ako atsaka niyakap sila. Parang gusto ko tuloy bigla umatras. Ito ang ayaw ko minsan kapag hinahatid ako ng parents ko, nagiging emotional ako at mas gugustuhin na lang umatras sa pag aalis. Mala

