Kabanata 44 Nagising ako sa marahang haplos sa pisngi. May anong kumurot sa dibdib nang maramdaman kung kanino galing iyon. Unti unti nag mulat ng mata. Halos tumalon ang puso ko ng makita ko syang nakaupo sa tabi ko. Ang mata ay titig na titig saakin. Nag tatalo ang galit at lungkot sakanyang mata. "Alexander..." paos ang boses kong tinatawag sya. Lumalam ang kanyang mata at marahas na nag iwas ng tingin. Umawang ang labi ko ng tumayo sya. "I'll be right back." his voice is so cold. Sasagot pa lang ako ng mabilis sya umalis. Bagsak na lamang ng pintuan ang nag iwan saakin. Pumikit ako at bumuntong hininga. Biglang bumalik saakin ang lahat ng nangyari bago nawalan ng malay. Wala sa sariling hinigit pataas ang kumot na nakabalot saaking katawan. Nandito sya. Nandito pa din 'yon

