Kabanata 12
Tumunog na ang bell hudyat na lunch time. Yong mga kasama namin sa loob ng library ay nag sisimula na mag ayos at lumabas. Bumuntong hininga si Violet sa harapan ko. Katabi nya si Joe habang si Danver ay nag babalik na ng libro. Kumakaway pa nga sa mga babaeng estudyante na kasabay nya.
"I don't know kung tama bang educ ang pinasukan ko. Hay!"
Ngumiwi naman si Joe sabay sinilip ang lesson plan na ginagawa ni Violet "Paanong hindi ka mahihirapan sa pag gawa ng objectives kung wala kang Taxonomy?"
"Huh? Naibigay na ba yong xerox copy ng Taxonomy?"
"Not yet. Nag base na lang kami sa internet." sabi ko saka nilabas ang phone. Binigay ko sakanya ito.
"Pwede pala sa internet? Akala ko ba hintayin daw yong xerox copy kay Omar?"
Umirap naman ako "Mag hihintay ka pa. Kelan nya ibibigay kung kailan tapos na tayo mag gawa?"
Tumango tango na lang si Violet saka nag umpisa na mag gawa ulit ng objectives para sa lesson plan nya. Kami tapos na pero sya nag uumpisa pa lang. May binulong si Joe kay Violet na kinalaki ng mata nito. Tumawa naman si Joe saka bumaling sakin.
"Hindi ka pa ba tinatawag sa SC?"
Naupo si Danver sa gitna saka nilabas ang cellphone na nakatago sa loob ng libro.
"Hindi pa. Wala pa silang chat at text eh." sabi ko saka pinanood na lang si Violet sa ginagawa nya.
"Are you okay? Hindi na ba masakit ulo mo?" tanong ni Danver habang nag titipa sakanyang phone.
"A-ah oo naman" labas sa ilong na sagot ko.
Tumawa si Joe "Akala namin nag tanan na kayo ni Sir Alex kahapon eh."
Lumaki ang mata ko saglit. Si Violet naman ay tumigil saka tinitigan ako ng nanunukso din. Ang dinahilan ko kasi sakanila ay nag punta ako ng clinic at humingi ng gamot para sa sakit ng ulo. Ako na ang sinungaling pero kaya ko ba sabihin sakanila na mag kasama kami ni Alexander nung oras na iyon?
"Balita ko kay Rea, pumasok na daw si Herold ah" si Danver.
Tumango si Joe "Iyon din ang bukambibig ni Hazel kanina. Oh damn! Namiss ko bigla si Hasel.. Ah Heysel? I forgot her name. Nevermind basta masarap sya."
Sumimangot naman ng palihim si Violet sa gilid nya. Tumawa naman si Danver ng makita iyon. Kumunot ang nuo ko sa mga babaeng binabanggit nila.
"Ano yang mga yan? High School?" expected ko ng mga bata yang mga yan!
"May bago pa ba don Dani." bulong ni Violet.
"Ano sabi mo?" tanong ni Joe.
Binitawan ni Violet ang ballpen saka nilingon na masama ang mukha ang katabi na nakakunot ang nuo. "Wala! Bingi!"
"Hahaha!" tawa ni Danver na medyo napapalakas na. Pinanlakihan ko sya ng mata mamaya sawayin kami ng librarian dito!
Nagtataka lang na nag balik ang tingin samin ni Joe "Ang gulo nyo girls. Anyway ano oras kayo pupunta sa engagement party mamaya?"
"6 pm daw umpisa kaya mga 7 pm na kami pupunta. Filipino time." kibit balikat ni Danver. Umirap ako sa sinabi nya. Tumawa si Joe at hinampas ang kaibigan.
"So hindi tayo makakapag-party?" ngumuso si Violet.
"Puro ka party! Tapusin mo na yang lesson plan mo." ani Joe. Tinitigan naman sya ng masama ni Violet "Parang ikaw hindi ah! Gusto mo isumbong kita kay Dani sa mga pinag gagawa nyo kagabi sa bar?"
"Wala namang laglagan Violet." Danver.
"Anong meron?" tanong ko. Si Joe naman ay napalunok saka nag iwas ng tingin. Kumunot ang nuo ko. "What is it Violet?"
Tumawa si Violet saka nag kibit balikat "Nag dala sila ng menor de edad sa bar kagabi."
"What the f**k?!" sigaw ko sa dalawa. Hindi na makatingin yong dalawa pero kita ko ang sama ng tingin nila kay Violet. Porket hindi na ako sumasama sakanila mag bar mag kakalat sila don?!
"Hulaan mo kung ilang taon Dani."
"17?"
Umiling sya saka tumawa then mouthed me the age "16.."
Mabilis na lumapit ako sa dalawa saka parehas na hinawakan sa tenga. Napasigaw sila sa sakit. Tama lang yan! Ilang taon na sila tapos 16 years old ang id-date nila sa Bar?! Mga educ students ba itong mga ito?!
Napapangiwi na si Violet sa ginawa ko sa dalawa.
"Aww! Aww! Danica—Age doesn't matter—Aww!" katwiran pa ni Joe.
"Age doesn't matter ka pa! Mga 20 years old na kayo! Tapos papatol kayo sa 16?!" sigaw ko sakanila.
"What the—Aww! Its love Danica—Aww!" si Danver na nag mukha ng aso.
"Ah love pala ah."
"Ms. Lladones!" isang galit na boses ang narinig namin.
Nanlaki ang mata ni Violet saka tumayo at binati ang librarian namin na namumula na sa galit dahil sa kaingayan namin.
"G-good afternoon Ma'am" bati ni Violet sa matandang librarian.
Mataba ito na maliit. Palaging nakapalda ng mahaba saka nakasalamin. Tattoo ang kilay na salubong lagi kapag nag pupunta kami dito. Mukha talaga syang matandang dalaga na hindi na nakaranasan mag mahal.
"You're a Secretary of SSG and a Dean lister. Pero parang ikaw pa ang pasimuno ng kaingayan sa loob ng silid aklatan na ito!" galit na sabi nito sakin.
Napalunok ako saka binitawan ang dalawa na kinakabahan na rin. Mabuti na kang at kami na lang ang estudyante na andito kundi baka pag pyestahan pa kami. Balita kasi na mahilig ito mamahiya sa harap ng maraming estudyante.
Yumuko ako "Sorry po Ma'am Fredeluces. Hindi na po mauulit."
"Talagang hindi na ito mauulit pa Miss Lladones kung ayaw mo ipunta ka sa dean's office."
Narinig kong bumukas ang pintuan. May papasok na estudyante. Damn! Hindi pa kami tapos pagalitan nitong matandang dalagang teacher! Napamura na din yong dalawa na kapwa namumula ang tenga.
"Ayoko na maulit pa ito Miss Lladones. Mataas pa naman ang tingin ko sayo. But you disappoint me. Simple rules that need to obey hindi nyo magawa. Educ Students ba talaga kayo?" sunod sunod na sinabi.
"Sorry po Ma'am.." yon na lang ang sinabi ko habang nakayuko. Mali din kasi kami eh. Bakit kasi dito ko pa piniling pingutin itong dalawang ito!
Tinitigan ko silang dalawa na kahit pinapagalitan na kami ay nagawa pa ngumisi. Si Violet naman ay hindi alam ang gagawin. Huminga ako ng malalim.
"Excuse me Ms. Fredeluces.." I heard a baritone voice.
"Oh my! Sir Alexander. Andyan ka pala. Yong libro po ba na hihiramin nyo?" masayang sabi ni Ma'am Fredeluces.
Umawang ang labi ko ng mapagtantong kung sino ang taong dumating. Hiya ang biglang kumalat sa katawan ko. Nag taas ako ng tingin and yes! It's him.
He raised a brow while staring at me. Agad nag init ang pisngi ko. Nakita nya ba akong pinapagalitan ni Ma'am Fredeluces kanina? Great Danica! Nakakahiya ka!
"Follow me Sir Alexander. Andon na pa ang libro sa desk ko." nakangiti si Ma'am Fredeluces at nang bumaling samin ay bigla napalitan ng galit "Pwede na kayo umalis."
Tinalikuran na kami ng matandang librarian na iyon. Bumalik na ang tingin ko sa dalawa na bigla tumawa ng mahina. Inis ko sila binatukan. Nag martsa ako sa upuan ko saka sinukbit ang bag. Hindi ko na kailangan pa sabihan ang tatlo dahil sabay sabay na din sila tumayo at kinuhat ang kanilang bag. Nauna ako nag lakad na naka taas nuo.
"Dani.." humabol sakin si Violet.
Hindi ko sya pinansin. Diretso lang ang tingin ko sa harapan. Para akong robot na nag lalakad. Walang emosyon na pinapakita pero deep inside hiyang hiya ako! Damn! Hindi na ako nag paalam pa kay Ma'am Fredeluces kasi alam kong andon pa rin si Alexander. Ayaw kong mag tama ang mata namin.
"Hooh! Mabuti dumating si Sir Alexander." sabi agad ni Joe pag kalabas ng library. Para syang nakahinga ng maluwag.
Bumuntong hininga ako. Kahit ako bigla nakahinga ng maluwag. Parang ang sikip sikip sa loob ng library lalo nung dumating si Alexander. Ngumuso ako. Im sure pinag tatawanan na ako non deep inside. Yon pa! Eh hilig ata non makita akong nahihiya.
Oh bakit galit na galit ka Danica? s**t! Pati sarili ko kalaban ko tsk.
"Lunch na tayo! At dahil may nagisa.. lilibre namin sya ni Danver ngayon. Yey!" nag pa cute pa sa harapan ko si Joe. Nag papaamo.
"Ewan ko sainyo!" irap ko saka nag lakad na pababa.
"Kasi kayo eh!" rinig kong sabi ni Violet saka tinawag ako. Hindi ko sila nilingon lalo nung tinakbo nila ako.
Automatic na umakbay si Danver sakin saka ginulo ang buhok ko "Sorry na Dani. Lilibre ka na lang namin."
"May pera ako."
Sa gilid ko naman si Joe na kinawit ang kamay sa braso ko "Samgyupsal tayo after prelim. Libre namin."
Ngumuso ako sa mga offer nila. Nakaka-tempt i-grab lalo na yong Samgyupsal na favorite ko.
Patungo kami sa cafeteria. Lunch ngayon kaya maraming estudyante na nasa labas. Nakikita ko silang napapalingon sa gawi ko. Nag tataka bakit ako pinapagitnaan nitong matatangkad na lalake. May nakita pa ako na umirap saakin. Kilala din kasi itong dalawa sa university kaya no doubt na bigla na lang ako masabunutan pero sorry sila kaya ko sila sabunutan pabalik.
"Fine!" pinal na sabi ko.
"Wee? Pinapatawad mo na kami?" nakangiti ng malapad si Joe.
Tinaasan ko sya ng kilay "Pinapatawad agad? Lilibre nyo muna ako!"
Tumawa si Danver saka mas inakbayan ako at pinang gigilan ang pisngi. Umirap ako, ginagawa nila akong bata. Katulad ng sinabi nilang dalawa, sila ang bumili ng lunch ko. Dahil dalawa naman sila mang lilibre sakin, marami ang in-order ko. Nakangiti pa ako ng nang aasar ng dalawa silang nag order.
"You're lucky, dahil may ganyan kang kaibigan Dani." komento ni Violet.
"Ganyan lang yan kapag may atraso sila sakin tsk. Pero pag wala na. Balik na naman yan sa mga kalokohan nila." paliwanag ko saka nag laro sa phone. Nag check ako ng Gc namin. Wala pang announcement so far. Ang last na chat na andoon ay yong message ni Athena Mendez kagabi na makakapasok na si Herold ngayon.
Iniisip ko kung pinuntahan na kaya sila ni Wayne? Tanungin ko kaya si Alexander—Ah wag na! Maalala ko na nakita nya pala ako na pinapahiya sa library.
"Ito na po Señorita. Pakataba po kayo! Sana lumubo ka na!" masayang sigaw na may diin ni Joe habang binababa ang 2 tray.
Napalakpak ako ng makita ko ang favorite kong carbonara! Sumunod naman ng dating si Danver na may hawak ding 2 tray.
"Mauubos mo ba yan lahat? Tsk." kunot nuong sabi ni Danver saka umupo.
Inabot nya ang order ni Violet. Nag pasalamat naman si Violet.
"May kulang pa Violet?" tanong ni Danver. Umiling si Violet saka ngumiti bago agad nilantakan ang lunch nyang beef steak.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag kunot ng nuo ni Joe sa ginawa ni Danver. Sumama ang tingin nito sa kaibigan. Sumingkit ang mata ko.
"Yong saken Dan?" tanong nya.
Tinignan naman sya ni Danver na parang nandidiri "Bakit sakin mo hinahanap brad? Ano ako jowa mo? Kadiri ka."
"Bakit si Violet inabutan mo? So jowa ka nya?" nakahimig ako ng selos sa tono ni Joe. Pati si Violet ay napahinto sa pag kain at tinignan ang dalawa na nag tatalo
"What the f**k Joe?! Para kang tanga. Nag seselos ka ba?" prangkang tanong ni Danver.
Nabitawan ni Violet ang kutsara at tinidor nya. Kahit ako ay napahinto sa pag inom ng pineapple juice ko.
"Tumigil na nga kayo. Para kayong ewan" sabi ko sakanila.
Masama ang mukha nilang dalawa. Pero ng humarap si Danver samin ay ngumisi sya ng malapad kay Violet saka kinindatan. Tumatawang umiling si Violet. Okay I get it. Pinapaselos nila si Joe. Nag thumbs up lang ako saka tinitigan si Joe na salubong ang kilay na minumurder yong karne sa plato nya.
Hayy its look like a Casanova found the real meaning of love.
Nang natapos na ang lunch ay bumalik na kami sa klase namin. History ang subject. Hindi ko alam kung kelangan ko na ba mag lagay ng toothpick sa mata para kag stay na nakamulat ang mata ko. Malapit na ako matulad sa ibang kaklase ko na natutulog na. Yong dalawang mokong sa likod ko parang hindi pa din nag uusap. May space kasi sa pagitan ng upuan nila. Parang mga bata.
"Since halos lahat kayo inaantok na sa klase ko. May tanong ako. Kapag hindi nyo ito nasagot ng tama zero kayo sa prelim ko. Game"
Madaming nag reklamo sa sinabi ng Professor namin. Yong mga natutulog biglang nagising.
"Sir naman. Unfair naman po yon!" reklamo nung isang classmate ko.
"Unfair yong mga natutulog. O hala sige sagutin nyo na ito ah."
"Ano na namang kalokohan nitong teacher natin kaya?" bulong sakin ni Violet. Nag kibit balikat ako pero dahil sa ginawa ng professor namin, maraming nagising at isa na ako don.
"Anong prutas yong ganitong kaliit." nag drawing sya sa hangin gamit ang daliri nya ng maliit na parihaba.
"Huh? may ganyan bang prutas Sir? rectangle?"
"Clue Sir!" sigaw ni Joe sa likod ko. Nag uumpisa na naman.
Tumawa ang professor namin "Letter J ang umpisa."
"Baka naman ako yan Sir ah!" tumawa si Joe. Binatukan sya ni Danver. Okay na sila. Phew
"Longgan?"
"Huh? May J bang prutas na ganyang kaliit Sir?"
"Wag kayo maniwala kay Sir. Scam yan #Scam."
"Okay na ma-zero Sir."
Iba't ibang sagot ang naririnig namin galing sa mga kaklase. Halos lahat sila ay sumasagot. Mukhang natutuwa naman ang Professor namin sa kalokohang ginagawa nya. I bet, joke yan.
"Ano? Siret na kayo?" tumatawang sabi ng professor namin.
"Kapag yan hindi prutas Sir!"
"Prutas 'to. Siret na ba?
"Siret na Sir! Uwian na eh."
Tumikhim ang professor namin saka nag salita "Edi... Juicy Fruit."
Natapos ang klase naming nadismaya ang ibang estudyante sa corny na joke ng History Professor namin. Cleaners kami ngayon kaya kumuha na ako ng tambo para mag linis.
"Mabuti walang nag p-planong abangan si Sir History sa gate no." tumatawang sabi ni Violet.
"Natawa ka don Violet?" singit ni Joe. "Gusto mo pala mga corny jokes ah."
Nag salubong ang kilay ni Violet "Kinakausap mo?"
Tinuro ni Joe ang cartolina na kulay Violet. "Ito. Itong Violet na cartolina."
"Hahaha. Lovebirds mauna na ako. Biglang sundo ako ni Dad tsk. Dani ingat kayo." kumaway si Danver saamin saka tumalikod na.
"Lovebirds ampupu.." binubulong bulong ni Joe.
Umiling iling na lang ako saka nag patuloy mag linis. Medyo maingay pa sa loob ng classroom dahil andito pa ang ilan naming mga kaklase. Syempre nauuna doon ang President namin na si Omar.
"Oh bakit pinapawalis nyo ang Secretary natin? SSG Secretary yan!" hindi ko alam kung namg aasar ba si Omar sa sinabi nya.
Tumawa ang mga kasama nya. Bumulong sakin si Violet "Mga college na ba talaga yang mga yan? Parang mga bata!"
"Isip bata" irap ko.
Nag madali na kami mag linis dahil nararamdaman ko na ang vibrate ng phone ko sa bulsa ko. I'm sure tumatawag na si Mom. Pero maaga pa naman. 4 pa lang ah.
Nag paalam ako don sa dalawa na nag aayos ng upuan. Lumabas muna ako saglit saka sinagot ang tawag ni Herold. Oo, hindi si Mom ang tumatawag. Yong SSG President namin ang tumawag. Tinitigan ko muna ang screen bago ko sinagot.
"Danica.." seryosong boses agad ang bumungad sakin.
"Herold.. bakit?" hindi ko alam bakit kinakabahan ako.
"Meeting. SC Building now." saka walang paalam na binaba ang tawag.
Napakunot ang nuo ko. Galit ba sya? Liningon ko sina Joe at Violet na palabas na ng classroom.
"Ah.. biglang nag patawag si Herold ng meeting"
"Oh? Hintayin ka na lang pala namin sa parking lot." ani Violet.
Tumango ako saka lumingon kay Joe na tinitigan ako ng seryoso. "Hatid na kita sa SC Building."
"Huh? Wag na. Kaya ko naman mag lakad no. Samahan mo na lang si Violet dito." sabi ko saka sinulyapan ang relo. Damn! Baka late na ako
"Sige sige na. Alis na ako. Paantay ako ah!" tumakbo na ako palayo sakanila. Mabilis ko naman napuntahan ang SC Building.
Wala na masyadong estudyante na andito. Siguro mga Professor na lang na nasa kanilang office. Lumiko ako sa kanto kung nasaan ang SSG Office. Kumatok muna ako saka pumasok. I expected that i'll see the other members but nothing? Pumasok na ako ng tuluyan para makita ang kabuoan. May nakita lang akong isang tao na andoon.
Nakaupo si Herold na seryoso ang tingin sakin. May band aid pa sa bridge ng nose nya. He crossed his arms.
"Akala ko may meeting?" I asked.
"Meron nga. Maupo ka" cold nyang sabi saka minuwestra ang upuan sa tapat mg table nya. Kagat labing umupo ako doon.
"Para ba sa upcoming na Buwan ng Wika?" tanong ko. Late na ang celebration namin ng Buwan ng Wika dahil ang umpisa ng klase ay August. Maraming ginagawa kaya hindi naasikaso. Kaya ngayong September nila napag desisyon na i-celebrate.
Hindi sya nag salita. Nakatitig lang sya saakin. Napalunok ako saka nag iwas ng tingin.
"Hindi mo ba ako kakamustahin?"
Oh shoot!
"Ah.. okay ka na ba? I mean bakit hindi ka nakapasok kahapon?" sunod sunod na tanong ko.
"Bakit hindi mo ako dinalaw? Or just text me or call?"
Napaawang ang labi ko. "A-ah andon naman si Athena kaya akala ko okay lang.."
"Ikaw ba sya?" cold pa rin ang boses nya.
Huminga ako ng malalim "Herold. Hindi deserve ni Athena ito. Kaya—"
"Kaya ano?"
"Tigilan na natin ito." yumuko ako. Totoong ayaw ko na. Nakokonsensya na ako sa ginagawa ko. Narinig kong suminghap sya.
"Basted pala ako." bulong nya.
Yong nangyari sa bar noong isang araw, yong halik nya, yong tanong nya..
Bigla sya tumayo na kinataas ko ng tingin.
"Makikipag hiwalay ako kay Athena."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "H-herold? Anong sinasabi mo?"
"Diba sya ang dahilan bakit gusto mo itigil natin ito. Alam kong sobra kita nasaktan sa nakita mo sa bar. I regret na napaiyak kita. No Danica.. Hindi kita bibitawana." buong sabi nya.
Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. "H-herold.."
Ngumiti sya ng mapait sakin. Alam kong nasasaktan sya. Gusto ko mag salita na wag nya gagawin iyon. Pero sadyang nagugulat pa ako sa naririnig ko. No.. hindi ako masaya. Hindi ako natutuwa sa sinasabi nya.. Nasasaktan ako ngayon.. dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga pa sa mga naririnig ko.
"Just give me months to settle this.."