"Nasaan si Lee?" Tanong ni Mason kay Nica ng makarating ito sa opisina. Makikita ang iritasyon at pagmamadali sa kanyang mukha at ekspresyon. Nagtataka man si Nica ay sinagot nya ito. "Nasa lunch meeting with the Parkins Corp. Teka, bakit andito kana?" Kumunot ang noo ni Mason ng magtanong si Nica sakanya. Tumikhim naman ang huli at napangiti bigla ng makita si Tiff na nagmamadaling humabol kay Mason. "BESHIIIIEEEE!!!!" Hindi mapigilan nag dalawa ng magyakapan na akala mo'y wala ng bukas. "Beshie ang ganda mo ngayon ah!" Bati ni Tiffany sakanya. Medyo nalungkot naman si Nica ng mapansin si Tiff na nangangayayat lalo. "Ikaw naman beh pumapayat ka." Binaling nya ang matalim na tingin kay Mason. "Pinapahirapan ka ba ng boss mo? Parang dika na pinapakain ah." Tinaasan naman sya ng kilay ka