“DO you want ice cream, Aya?” tanong ni Adam kay Aya. “Sure,” kaagad niyang sagot. Humakbang ito palapit sa kanya habang hawak ang bote ng red wine at dalawang wine glass. Inilapag nito ang mga iyon sa ibabaw ng mini dining table na inuukupa niya. Binuksan nito ang bote ng wine saka sinalinan ang dalawang baso. Iyon pa ang wine na binigay rito ni Mr. Yakamoto. “I’ll call Bob to buy some for us,” sabi nito at kinuha ang cellphone nito. “Kahit konti lang,” pahabol niya. “Okay.” Inilapat nanito sa tainga ang cellphone. “Bob, puwedeng bilhan mo muna ako ng ice cream chocolate flavor? ‘Yong 1 litter lang,” sabi nito sa kausap. “Hingan mo rin ako ng ice cubes sa bar,” pahabol pa nito bago naputol ang linya. “Anong oras ba tayo magsisimula?” tanong niya, hindi halatang excited. “We will st