Nasa isang shopping mall siya nang may tumawag sa pangalan niya. “Caithlyn?” “Jewel, ahm…kumusta?” nauutal niyang sagot sa binata. “Matagal ka yatang hindi nakabalik ng bansa?” “Ahm…y-yeah, ito nga at kararating ko lang noong isang araw.” “Kaya naman pala lagi kong sinusubukan na tawagan ka pero hindi kita makontak, ang akala ko nga nag palit ka ng bagong number.” “Ah, hindi naman talagang busy lang ako sa trabaho, kulang kasi kami ng tao kaya iyon natagalan ako bago nakabalik.” Hindi niya sigurado kong kapanipaniwala ang kaniyang alibi. “Nag-lunch ka na ba? Tara, sabayan mo akong kumain.” “Okay sige, saan naman tayo kakain?” “Doon sa paborito mong restaurant pag naririto ka sa bansa natin.” Napangiti siya, talagang hindi pa rin nito nakakalimutan ang mga gusto niyang. Ngunit nan

