Mahabang katahimikan at paminsan minsan ay sinusulyapan ito ni Reegan. Hindi siya kuntento sa mga sinsabi nito kaya naman nag-continue siya sa pagtatanong. “Paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?” “Staff siya sa gym na pinupuntahan ko noon, hanggang naging malapit kami sa isa’t-isa kaya inalok ko siyang magtrabaho sa Montemayor company ngunit tumanggi siya. Mas masaya raw siya sa gym, kaya naman hindi ko na kinulit pa. At dahil napakabait niya kaya mabilis akong nagtiwala sa kaniya at magmula noon ay ang kapatid mo na lang lagi ang tinatawag ko para mag assist sa akin doon. Itinuring ko siyang higit pa sa kaibigan kaya nang mangyari sa kaniya ang bagay na yon ay nasaktan din ako.” “Bakit siya napapunta ng bar, ikaw ba ang nagdala sa kaniya doon?” “No, sa totoo lang ay siya ang nag-imbit

