Wind's POV I was heading to Manila now to attend a conference meeting together with my friends. Kaniya-kaniya kami ng sasakyan, convoy kami. Nakabuntot at nakapaligid din sa amin ang mga bodyguard namin na twenty-four seven kung magbantay kapag may pinupuntahan kaming lugar. Just for some protection that we need to survive in this cruel world. Eme! Fvck! Nahahawa na yata ako sa mga naririnig kong wordings ng mga employees ko. Pati ako ay nakikisabay na sa kanilang mga pinapauso. Hindi namin alam kung may panganib na nakaabang sa amin sa daan lalo na at medyo mainit ang iba kong kaibigan sa kanilang mga kalaban sa negosyo o sa iba pang usapin. Tulad ni Korei na kabilaan ang banta sa buhay niya dahil may mga pulitikong nabuko ng administration at ngayon ay haharap sa impeachment trial.

