Wind's POV Nagkakasayahan ang lahat ng bisita nang bumungad ako sa venue kung saan ay may nagaganap na palaro sa gitna ng dance floor. Ito marahil ang pakulo ng event organizer para hindi mainip ang mga bisita. He is brilliant at saving the party for a while. Hindi nagkamali si Mommy na pinili ang baklang ito para hawakan ang party ng aming bunso. Sana lang maging maayos mamaya ang exit ng mga tao kapag inanunsiyo na ng emcee na tapos na ang party. Si Daddy at Mommy na ang bahala, ito ang sabi nila. Kung ano man ang sasabihin nilang rason ay sana naman ay tanggapin ito ng mga tao. Bahala na kung ano ang gusto nilang isipin at sabihin, ang mahalaga lang naman sa amin ngayon ay magpahinga si Cresia at iiwas sa matinding stress pa na kaniyang mararamdaman. Kawawa naman ang baby namin na na