Cresia's POV “T-Totoo ba ang sinabi mo, kuya? Pareho ba talaga tayo ng nararamdaman?" Hindi makapaniwalang bulalas ko nang mag-confess na si Kuya Wind sa akin. "Oh baka naman kunwari lang na may gusto ka sa akin pero ang totoo ay wala naman. Na libog lang pala para mahulog ako sa iyong patibong at magawa mo ang gusto mo. That you just need my body and when you're done with me, itatapon mo na lang akong parang basahan dahil wala ng silbi at pinagsawaan mo na?” Paniniyak ko nang maisip kong baka gawa-gawa lang njya ito para pakagatin ako sa kanyang plano. Gusto kong makatiyak na tunay ang kaniyang nadarama at hindi lang niya ako ginagago. Hindi iyong naglolokohan lang pala kami. Madaling sabihin na mahal niya ako pero ang panindigan niya ito ay hindi ako nakakatiyak lalo na at komplikado