Wind's POV After five or six hours ng biyahe, nakarating din kami ng Tagaytay. Parang ang bagal nga ng naging biyahe namin kahit na dumaan na kami sa expressway at short cuts. Na -traffic din kasi kami ng halos thirty minutes kaya natagalan kami. Mabuti na lang at hindi mainipin sa biyahe ang magiging misis ko. Kung hindi kain, tulog naman ang ginagawa niya. Tapos panay din kasi ang stop over namin kapag nag-iihi siya kaya inabot kami ng matagal sa biyahe. “Wow! Ang ganda talaga rito, Wind!” Bulalas ni Cresia nang makarating kami sa venue kung saan ay second time naman na namin ngunit iyong reaksyon niya ay parang amazed na amazed pa rin siya sa ganda ng paligid. Overlooking talaga sa kinatatayuan namin ang ganda ng Tagaytay. Mapapanganga ka na lang talaga kaya tamang-tama ang lugar na

