Wind's POV Nang mapagsolo kami ni Cresia ay hindi ko naman alam kung paano magsisimula ng mga gusto kong sabihin sa kaniya. Parang bigla akong tinubuhan ng hiya sa katawan tapos hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang kinaroroonan. Maging siya marahil ay hindi alam ang sasabihin. Ilang beses ko siyang nakitang nag-iwas ng tingin habang pinaglalaruan ang kaniyang mga daliri. Mannerism niya ito. Kapag may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi ay ganito siya umakto. Humugot ako ng malalim na hininga at nagpasya na kausapin na siya. Ito na iyong pagkakataon na hinihintay ko. Kung kailan ibinigay sa akin ay saka naman ako nababahag ang buntot. I must tell her what I was thinking. Mamaya ay naririto na naman si Daddy at barahin na naman ako. Feel ko talaga ay magiging matinding balak

