Chapter 37 May nagbukas ng maintenance room. Yakap ni Max ang katawan ni Gabriela at nasa loob sila ng isang lumang locker. Mula sa loob ng locker nakikita ni Gabriela ang dalawang lalaki na may hawak na baril. Tinitingnan ng mga ito ang bawat sulok ng maintenance room. Isa sa mga ito ang napatingin sa lumang locker kaya lumapit doon ang lalaki hawak ang baril. Binuksan iyon at wala siya nakita bukod sa mga walis at mop tapos mga basahan. Noong magsara iyon bahagya nakahinga si Max. Nasa kabilang gilid siya ng locker at nakatakip ang bibig. Sa harapan niya si Gabriela na nasa kabilang bahagi at sinusundan ng tingin ang mga armadong lalaki. Noong magsara ang pinto— nauna lumabas si Gabriela ngunit nagulat siya after makita na nandoon iyong lalaki nagbukas ng locker. "As expe

