Chapter 32 "Ano tinatayo mo inuupo mo pa diyan Declan? Dadating na sina dad at mom. Madami pa din tayo guest na dapat ientertain," tanong ni Winny na nakatayo sa harap ng pinto at nakatingin kay Aslan na nakaupo pa din sa sahig. "Ha?" Pabiro na sinipa ni Sebastian ang likod ni Aslan sinabihan ito na tumayo na. "Hindi niyo pwede ipakita na hindi kayo nagkakasundo ni Winny," ani ni Sebastian. Agad na napatayo si Aslan at parang bata na lumapit kay Winny. Sandali tumingin si Winny kay Max na nakapako ang tingin kay Gabriela na may sobrang pag-aalala sa expression. "Win," bulong ni Aslan. Bahagya ngumiti si Winny at tumingala. Tiningnan niya si Aslan. "Kalimutan mo na iyong sa dressing room. Hindi lang ikaw iyong binigyan ng role dito ni Gabriela," ani ni Winny tapos tumalikod. Nap

