Chapter 16
Nakaupo ang dalawa sa hood ng kotse habang kumakain si Gabriela. As usual tahimik lang si Gabriela kapag kumakain tapos hindi din feel ni Max magsalita.
Tiningnan ni Gabriela si Max na nakatingala sa langit at mukha malalim ang iniisip.
Hinawakan ni Gabriela ang isang daliri ni Max. Napatigil si Max at bahagya lumingon sa babae.
Inangat ni Max ang kamay tapos pinagsiklop ang kamay nila ni Gabriela na napatigil ngunit hindi nag-abala lumingon. For sure kasi magiging awkward iyon sa kanila ni Max.
"4 years old ako 'nong nagsimula ako i-appreciate ang mga bituin dahil buwan lang at bituin ang nagbibigay ng ilaw sa bahay namin tuwing gabi."
"Naaalala ko nakatira kami ng mom ko sa gilid ng kalsada. May mga kumot na nakapalibot sa pwesto namin na dalawa tapos nakahiga kami sa karton. Nakikita ko sila bago matulog tapos tinuruan din ako ni mom ng ilang words gamit ang mga bituin."
Inangat ni Max ang isang daliri tapos tinitrace ang mga bituin.
"Naiinis ako dahil hindi ko na maalala mukha ng mom ko."
Binaba ni Max ang kamay. Nanatili nakatitig sa kaniya si Gabriela at 'nong lumingon si Max ngumiti si Gabriela sinabi na gusto niya din makita mom ni Max.
"Bakit?" tanong ni Max na nakataas ang kilay. Tumawa si Gabriela sinabi na magti-thank you siya.
"Binigyan ako ng the best na master even short temper siya pinakakain niya ako, binigyan ng bahay tapos binili ako sa auction."
Dinutdot ni Max ang noo ni Gabriela sinabihan si Gabriela ng idiot.
Humiga si Max sa hood ng sasakyan tapos tumingin ulit sa langit. Maya-maya humiga na din si Gabriela tapos tumagilid.
Tahimik na ulit ang dalawa tapos naisipan ni Max tawagin si Gabriela at paglingon niya tulog na ito.
"Heh, akala ko ba hindi ka din inaantok? Bakit tulog ka?"
But in some reason magaan ang loob ni Max like— may isa tao doon na nakikinig sa kaniya at sapat na ang presensya para maramdaman niya na hindi siya mag-isa.
Kukuhanin ni Max ang kamay sa gayon makatulog si Gabriela ng maayos nang higpitan ni Gabriela ang hawak sa kamay niya at hindi bitawan.
Ayaw niya magising si Gabriela kaya hinayaan na lang niya. Maya-maya nakaramdam na din siya ng antok at nakatulog.
Saktong pagpikit ni Max ang bahagyang pagmulat ng mata ni Gabriela. Bumakas ss mukha ni Gabriela ang sobrang guilt at awa.
"Master, masyado ka unfair."
Nahihirapan si Gabriela mag-stick sa role niya the more nakikita niya ang mga side na iyon ni Max.
Hindi iyon ang character na ine-expect niya kay Max. Naiinis siya kay Max pero mas naiinis siya sa sarili niya.
Mas lumapit si Gabriela at sumiksik sa dibdib ni Max. Ayaw niya maging greedy kasi alam niya na kapag naging greedy siya— mawawala ang buhay na iyon at mawawala din si Max.
Pumasok si Max sa office. Sinundan siya ng tingin ni Garan. Mas okay ang lalaki compare sa mga nagdaan na taon before ang anniversary ng mom nito.
"Ano mga schedule ko ngayon araw?"
Lumapit si Garan sa table hawak ang tab niya at sinimulan iyon basahin kay Max isa-isa.
Kinuha ni Max ang pen niya tapos nagbukas ng document.
Maya-maya may kumatok sa pinto tapos bumukas iyon. Tiningnan niya ahg pinto tapos nakita niya si Aslan.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Max. Sinabi ni Aslan na dumating na si Winny.
Tinanong ni Max kung iyon lang ba pinunta ni Aslan sa office niya.
"Max, alam mo na para na kitang kapatid hindi ba? Pinutol ko na ang koneksyon ko kay Winny after ng nangyari at—"
"Reed, nandito ka sa harap ko at kausap kita. Pinutol ko na ang koneksyon ko kay Winny alam mo kung bakit?" tanong ni Max. Hinilot ni Max ang sentido sinabi na pinili niya si Aslan.
"You idiot."
Naitikom ni Aslan ang labi. Sinabi ni Max na naniniwala siya kay Aslan at napatawad ito but hindi ibig sabihin 'non kaya niya pagkatiwalaan si Aslan at magawa ibalik lahat sa dati.
"Sana naiintindihan mo."
Naiintindihan ni Garan bakit ganoon na lang si Aslan ka-anxious sa pagbalik ni Winny. Inabot kasi ng dalawang taon bago siya kausapin ulit ni Max pagkatapos ng nangyari sa party.
"Balita ko nasa hospital ngayon kapatid mo kaya hindi ka pumupunta sa club. After ng party pupunta kami doon ni Gabby para dalawin siya," ani ni Max. Sinabi ni Aslan na matutuwa ang kapatid niya kapag nalaman iyon.
"Balak mo ba kausapin si Winny?" tanong ni Aslan pagkatapos ng ilang minuto.
"I think kaya ko na siya harapin ngayon. Matagal na din 'nong last na nakausap ko siya."
Nagkatinginan si Garan at Aslan. Hindi sila makapaniwala na si Max ang kausap nila.
Lumabas si Garan at Aslan sa office. Habang patungo sa elevator sinabi ni Garan na this past few days kakaiba mga kinikilos ni Max.
"Masama kutob ko," ani ni Garan. Alanganin nagsalita si Aslan sinabi na wag ito masyado mag-overthink.
"Masyado sensitive lang ngayon si Max dahil malapit na death anniversary ni madam Lambordi."
—
"Miss Gabriela ayos ka lang ba?"medyo worried na tanong ni Lumina. Nakasubsob na kasi si Gabriela sa table tapos mukhang pagod na pagod ang aga -aga.
"Kung ganito ng ganito si master tuwing anniversary ng mom niya mamatay ako," ani ni Gabriela na kinangiwi ni Lumina.
"Gusto mo ba kausapin ko si sir? Pwede ako gumawa ng reason para makapagpahinga ka like—"
"No," putol ni Gabriela tapos humilig sa table. Sinabi ni Gabriela na sigurado siya hahanap ng ibang babae master niya para ilabas frustration niya.
Napatigil si Lumina at nanlalaki ang maya tinanong si Gabriela kung nagseselos ito.
"Kaunti," bulong ni Gabriela at parang bata sinabi na kapag nagkaroon ng bagong girlfriend master niya sigurado ise-set aside na siya nito.
Napaupo ng maayos si Gabriela after bigla may magdoorbell sa pinto. Lumapit ang head maid sa pinto at binuksan iyon. Sumilip si Gabriela mula sa kusina at tiningnan sino nasa labas.
Nakita niya delivery man iyon tapos sinabi na para kay Max. Dala ng headmaid iyong kahon at ibinibigay kay Gabriela.
"Pakilagay na lang iyan sa lamesa ng living room," utos ni Gabriela. Napatingin si Lumina kay Gabriela na umupo ng maayos at humulumbaba.
Bumubulong-bulong si Gabriela sinabi na gusto niya ng pizza at cake.
Before lunch naglalaro si Gabriela at Gemma nang aksidente madali ni Gemma iyong kahon at nahulog.
"Gemma! Are you okay?"
Bigla kasi may nabasag mula sa kahon at agad na nilapitan ni Gabriela si Gemma na mukhang nagulat.
"Hindi ko napansin ang gift."
Sandali binitawan ni Gabriela si Gemma tapos dinampot ang kahon. Nagulat siya after madami capsule ang nagkalat tapos nakita ni Gabriela ang picture niya.
Dinampot iyon ni Gabriela ngunit agad siya napabitaw after siya mahiwa.
May blade sa gilid ng picture. Napatili si Gemma after makakita ng dugo.
"Miss Gabriela!"
Agad na tinawagan ng butler si Garan after mag-iiyak si Gemma at mahirapan huminga.
"Gemma!"
Sinubukan ni Gabriela patahanin si Gemma after nito magpapasag at sumisigaw ng kuya.
Makalipas ang ilang minuto bumukas ang pinto at tumatakbo lumapit si Garan sa kapatid.
"Kuya! Kuya!"
Agad na niyakap ni Garan ang kapatid at tinawag si Gemma.
Naitago ni Gabriela ang kamay after makita si Max na nag-aalala tiningnan ang paligid tapos pinako ang tingin kay Gabriela.
"Ano nangyari?" tanong ni Max at nilapitan si Gabriela. Napatingin si Max sa ibaba ng lamesa. Nakakita siya ng familiar na mga capsule na nagkalat sa sahig at picture.
Agad na kinuha ni Max ang kamay ni Gabriela at nakita niya na may cut doon.
"Itapon niyo iyong kahon at simula ngayon kapag may nagpadala dito na kahit anong bagay na para sa akin itapon niyo agad," pikon na sambit ni Max tapos kumuha ng tissue.
"Lumina! Ano tinatayo mo? Nasugatan si Gabby!"
Napatalon si Lumina at tumakbo patungo sa kusina para kumuha ng first aid kit.
Ipinasok ni Max sa kwarto si Gabriela at after magamot ang sugat ni Gabriela pinagpalit niya ng damit ang babae dahil nagkaroon din ng dugo ang suot nito na pajama.
Paglabas ni Gabriela sa bathroom nakita niya si Max na nasa harap ng glasswall na may masama ng timpla ng mukha.
"Hindi ba pwede ingatan mo naman sarili mo?"
Nilingon ni Max si Gabriela na agad nagsorry. Napahawak si Max sa ulo dahil in some reason naiirita siya.
Maya kumatok sa kwarto. Sumagot si Max at sinabing pumasok— bumukas ang pinto at nag-aalala nakatingin si Garan kay Max.
"Dalhin ko muna sa hospital si Gemma."
Napatayo ng maayos si Gabriela tinanong kung hindi ba talaga maganda lagay ni Gemma.
"Malaki ang takot ni Gemma sa dugo. Mukhang na-trigger iyong anxiety niya sa dugo 'nong nakita na nasaktan ka."
"Please, tawagan mo ako sa result."
Tumango si Garan at nagpaalam kina Max at Gabriela. Pagkasara ng pinto nilampasan ni Max si Gabriela sinabi na mag-stay muna siya sa room niya.
"Master—"
Humabol si Gabriela kay Max ngunit pagbukas ni Max ng pinto— tinitigan siya ni Max.
"Gusto ko mapag-isa. That's an order, Gabby."
Naibaba ni Gabriela ang kamay at sa hindi niya malaman na dahilan bigla nawalan ng lakas ang tuhod niya at napaluhod.
Iyon ang tingin na pinakakatakutan niya. Napahawak sa ulo si Gabriela. Iyon ang tingin na pinupukol sa kaniya ng mga tao na kumupkop sa kaniya bago siya iwan.
Hindi alam ni Gabriela ang nangyari dahil after ng insidente na iyon nanlamig na lang bigla sa kaniya si Max. Hindi na din siya pinupuntahan nito sa kwarto at pag-uuwi diretso sa room nito.
And ang pinaka-worst— napatanga si Gabriela after may makita siya na dalawang babae na kasama si Max.
"Master!" tawag ni Gabriela at sinundan ang lalaki patungo sa kwarto nito kasunod iyong dalawang babae na this past few days kasama ni Max.
Para siya hindi naririnig ni Max. Ngumiti si Violet bago pumasok sa kwarto at tinanong si Gabriela kung gusto ba nito sumama sa kanila.
"Pwede naman namin i-share sa iyo si Max. Hindi kami madamot."
Bahagya nakabukas ang pinto at nanatili nakatayo doon si Gabriela.
Kitang-kita niya mula sa maliit na iwang ng pinto paano hinubad ni Max ang damit niya habang nakaharap kay Violet at hinahalikan ito ni Katrina.
Noong nakita iyon ni Gabriela hindi niya magawa makalunok at makapagsalita. Hindi niya maintindihan.
Wala siya maintindihan mula sa bakit niya iyon nararamdaman hanggang sa bakit siya bigla na lang hindi pinansin ni Max.
Hanggang sa matapos sina Max nakaupo si Gabriela sa gilid ng pinto ng room ni Max.
Nag-aalala lumapit si Lumina kay Gabriela at sinabing hindi ito nag-umagahan either lunch.
Rinig na rinig ni Lumina mula doon ang ungol nina Katrina at Violet. Yakap ni Gabriela ang mga tuhod at sinabi na hinihintay niya ang master niya.
"Miss Gabriela, magdidinner na. Mula umaga nandito ka."
Namumula ang mga mata na inangat ni Gabriela ang tingin at diretso tiningnan si Lumina.
"Bakit ayaw na sa akin ni master? Dahil ba mas maganda ang dalawang iyon kaysa sa akin or mas mabango sila?"
Naitikom ni Lumina ang mga labi at lumuhod. Pinantayan niya si Gabriela sinabi na hindi din iyon gusto ng sir Max nila.
"Miss Gabriela madami ka pa hindi alam."
Sunod na umaga hinabol ni Gabriela si Max palabas pinto.
"Master! Bakit ayaw mo ako kausapin!"
Hinarangan ni Gabriela ang pinto at naiiyak na tiningnan si Max. Madilim ang anyo ni Max na tinanong si Gabriela ani ginagawa nito.
"Ayaw mo na ba sa akin, master? Bakit kailangan mo pa magdala ng ibang babae! Nandito ako master!"
Napatigil si Max 'nong bigla siya halikan ni Gabriela sa labi. Bigla niya naisip iyong mga babae na humahalik sa buong katawan niya at—
Naitulak niya si Gabriela. Napasigaw si Lumina at agad na nilapitan si Gabriela na nakasalampak sa sahig.
Naiyukom ni Gabriela ang kamao at galit na inangat ang tingin. Napatigil si Gabriela after makita ang takot at gulat sa mukha ni Max after siya makita na nakasalampak.
Tumayo si Gabriela at bigla hinila si Max pataas ng hagdan. Hindi niya alam paano niya nabitbit si Max pataas basta nadala niya si Max sa isang kwarto at sinara ang pinto.
"Pumunta ka sa malayo Gabby. Dalhin mo si Lumina. May condo ako sa Marikina gusto ko mag-stay ka doon."
Napatigil si Gabriela after marinig iyon. Sinabi ni Max na susuportahan niya pa din ang babae.
"Pinaaalis mo na ba ako?"
Napatingin si Max. Masama ang timpla ng mukha ni Gabriela tinanong si Max kung ayaw na ba nito sa kaniya at sawa na.
Gumawa ng nakakaloko na expression si Max sinabi na madali lang siya magsawa sa babae.
"Ano tingin mo sa akin? Magi-stick sa iisang babae?"
"Magpasalamat ka na lang dahil willing ako suportahan ka pa at itake ang responsibility ko sa iyo after kita kuhanin sa auction."
Humakbang si Max palapit kay Gabriela at hinawakan ito sa panga.
"Tandaan mo role mo sa mansion na ito. Pet ka lang at role mo gumulong sa kama ko kapag bored ako and i-entertain ako."