Chapter 20
Inilabas ni Gabriela sa kwarto si Max at kinatako ang kwarto ni Aslan. Nagulat si Aslan pagbukas niya nakita niya si Gabriela.
"Paanong—"
Pumasok si Gabriela hawak si Max na bahagya ng kumalma ngunit nandoon pa din pamumutla ng lalaki at shock.
Nakita ni Gabriela si Winny na agad napatayo sa kinauupuan na sofa after makita si Max.
"Nabanggit ni Master may camera sa room namin kaya dinala ko siya dito."
Napahawak sa ulo si Gabriela. Tinanong ni Aslan kung ano nangyari.
May inabot si Gabriela na phone which is pagmamay-ari ni Max. Nakita niya ang video pero hindi niya alam bakit natakot si Max.
"That age—"
Napatingin si Aslan kay Winny na nakasilip sa phone. Sinabi ni Winny na iyon 'yong time na hindi tao tingin ni Winny kay Max.
"What?" tanong ni Gabriela na may pagtatakha sa mukha. Ipinaliwanag ni Winny na before niya makilala si Max super close si Max sa kapatid nito na si Maxine.
"To the point na super weird na," ani ni Winny. Sa lahat ng bagay takot si Max at tanging si Maxine lang gusto nito palagi na kasama.
"Dahil simula pagkabata inaakala ko na pinoprotektahan ako ni ate but— si ate ang rason bakit nasira ang buhay ko at buhay ni mom. Siya din ang dahilan bakit nilalayuan ako ng madaming tao at gusto saktan."
Napatanga si Gabriela after marinig iyon. Sinabi ni Winny na ginamit iyon ni Maxine sa kaniya once.
"But nakilala ko na si Max before niya ako nilapitan. Naaawa ako kay Max kaya paulit-ulit ko siya nilalapitan kahit pa sinasabi sa akin ni Maxine na may diperensya sa utak si Max at agresibo."
"But—"
Tiningnan ni Winny si Max na nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang ulo.
"Tuwing nagseselos si Maxine. Nagwawala siya at sinasaktan si Max," ani ni Winny. Sumalubong ang kilay ni Gabriela at tinanong bakit ginagawa iyon ni Maxine.
Maya-maya may na-realize si Gabriela at hinarap si Max.
"Master, iyong mga babae at camera— sabihin mo mali iniisip ko hindi ba?"
Nagtataka napatingin si Aslan kay Gabriela. Tinanong ni Aslan ano sinasabi ni Gabriela.
Bahagya naibuka ni Winny ang mga labi at napatakip ng bibig.
"Master!"
Lumuhod si Gabriela at pinantayan si Max. Napatigil si Gabriela after makita na tumutulo ang luha ni Max habang nakayuko.
Nanginginig na niyakap ni Gabriela si Max at sinubsob sa leeg niya. Sunod-sunod na napamura si Gabriela sa isipan at nanlalaki ang mata.
Isa lang ang nakumpirma ni Gabriela. Literal na hayop ang ate ni Max.
"Nakatanggap ako ng order kay Maxine. Gusto niya gawin ko ang kababuyan na iyon kay Max," ani ni Winny. Naiyukom ni Winny ang kamao tapos sinapo ang noo.
"Hindi titigil si ate hangga't buhay ako. Hindi matitigil ang pagmamanipula niya sa mga tao na nasa paligid ko at wasakin ako," bulong ni Max. Sinabi ni Aslan na mas lalong hindi titigil si Maxine.
"Hayaan mo ang video, Winny."
Napatigil si Max at napaangat ng tingin. Tinanong ano sinasabi nina Aslan.
"May video siya 'nong engagement party at katulad ng kutob mo si Maxine ang nasa likod 'non. Bina-blackmail niya si Winny kaya nandito siya ngayon."
"F*ck! F*ck!"
Yumuko si Winny sinabi na madami na nagawa si Max para sa kaniya. Sinabi na wala siya balak sumunod kay Maxine.
"Demonyo ang babae na iyon. Ito-torture ka niya gamit kami ni Declan."
Sinabi ni Max na kakausapin niya ang kapatid niya. Nagmamakaawa siya at—
"Pakakasalan ko si Winny."
Napatigil si Max ganoon din si Winny. Lumingon si Winny at tinanong si Aslan kung nababaliw na ito.
"Siguro dahil ayoko na maging dagdag sa problema ni Max. Nandito ako para tulungan ang kaibigan ko hindi para maging pabigat," ani Aslan. Napatanga si Winny.
Lumingon si Aslan sinabi na pakakasalan niya si Winny para sa dalawang pamilya.
"Divorce tayo after 3 years kung hindi mag-work out iyong atin," balewala na sambit ni Aslan. Naitikom ni Winny ang mga labi.
"Reed—"
Tiningnan ni Aslan si Max. Sinabi ni Aslan na silang dalawa na ni Winny ang bahala about sa video at scandal nila.
Hindi lingid sa kaalaman ni Aslan may feelings pa din si Winny kay Max but— sa mga oras na iyon mukhang nasagot na ni Winny mga katanungan nito kagabi about kina Max at Gabriela.
Nakatingin si Winny kay Gabriela na nakaluhod at nakaharap kay Max. Tipong kung tingnan ng babae si Max parang ito lang ang tao doon at iisa niyang mundo.
"Mukhang mas siraulo ang ulo ng babae na iyon sa ine-expect ko. Hindi sapat ang plano ko," ani ni Gabriela hawak ang baba niya.
"Pwede ko iwan ang lahat. Ang company at mga bagay na meron ako ngayon."
Tinanong ni Max si Gabriela kung sasama sa kaniya si Gabriela.
"Kahit sa kalsada tayo tumira i dont mind."
Mabilis na sagot ni Gabriela ng hindi nag-iisip hanggang sa 'nong narealize niya iyon agad na nanlaki ang mata nito.
"What?"
Tinitigan ni Gabriela si Max. Tinanong ni Max kung ano gagawin ni Gabriela kung mawala lahat ng pera, kompanya at ang mansion sa kaniya.
"Sasama ka ba sa akin?"
Binaba ni Gabriela ang kamay at tumawa sinabi na kahit saan pumunta si Max sasama siya.
"Pero hindi natin pwede pabayaan ang babae na iyon sa kabaliwan niya. Atleast masira natin mga videos mo at makaganti tayo."
"So? May plano ka pa?" tanong ni Aslan. Bahagya lumingon si Gabriela at sumagot ng yes.
—
Katulad ng inaasahan ni Gabriela 4 days after ng party dumating sa mansion nila ang isang babae.
May mga maleta ito na dala at ilang tauhan. Agad siya tinanong ng babae kung sino siya.
Napahawak si Gabriela kay Lumina at nag-act na natatakot.
"Ako dapat nagtatanong 'nan. Isa ka din ba sa mga babae ni master? I told you akin na siya."
Aroganteng ngumiti ang babae at sinabi na big sister siya ni Max. Pinataas ng babae ang mga maleta niya.
"Namis ko ang kapatid ko tapos nalaman ko na may girlfriend pala siya ulit," ani ng babae na bahagya ngumiti ngunit bakas naman sa expression nito na hindi ito natutuwa.
Tiningnan ng babae ang mga accessories na nakasabit sa leeg at wrist ni Gabriela. Nakasuot din ito ng magagandang damit, signature bags at shoes.
"Kamusta si Max bilang boyfriend?" tanong ni Maxine. Awkward na umupo si Gabriela sa pang-isahan na sofa at pinaglaruan ang mga daliri.
"Lagi niya ako binibigyan ng gifts tapos magaganda na damit. Pinakita ni Gabriela iyong magandang kwintas na suot niya. Gawa mga iyon sa tunay na diamond."
Hindi alam ni Lumina at ng butler ang nangyayari but this past few days after ng party pumunta si Gabriela sa dress room na ginawa ni Max para kay Gabriela.
Doon madami mamahalin na mga damit, accessories, signature dress and bags. Naisip nina Lumina maari pinakita na ni Gabriela ang tunay na ugali nito at pagiging materialistic but— ngayon nasa harapan na nila si Maxine at naga-act na naman si Gabriela. Masasabi ni Lumina na part na naman iyon ng mga scheme ng babae.
Wala sinabi ang sir Max nila sa mga plano nito but malinaw ang bagong order nito sa kanila. Pagkatiwalaan namin si Gabriela same sa paano kami nagtiwala kay Max and sa pagkakataon na iyon— silang dalawa lang ng butler ang nasa room at kausap ni Max.
Sinabi din nito na silang dalawa lang ng butler ang mapagkakatiwalaan niya sa mansion na iyon at nagpapasalamat ito. Masyado iyon weird kaya naman naghinala ang butler at si Lumina na may pinaplano si Max.
Maya-maya lang dumating si Max. Agad nito binuksan ang pinto ng humahangos.
"Master!"
Agad na tumayo si Gabriela at natutuwa yumakap kay Max na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala
"Max, long time no see," ani ni Maxine at ngumiti.
"Namis mo ako, my little adorable brother?"
Nanlamig si Max sa kinatatayuan. Boses pa lang ng kapatid niya para ng napakaraming nakakadiring bagay gumagapang sa buong katawan niya. Hindi iyon makontrol ni Max.
Tiningnan niya si Gabriela. Napatigil ang lalaki after makita ang sobrang galit sa expression ni Gabriela at the same time pag-aalala.
She was wondering ano klaseng mga trauma binigay ng babae na iyon sa master niya para gumawa ng ganoong expression si Max marinig lang ang boses ng babae.
Bahagya lumambot ang expression ni Max at tiningnan parang sinasabi na ayos lang siya.
"Master are you sick? Namumutla ka?" tanong ni Gabriela at hinawakan ang pisngi ni Max gamit isang kamay habang ang isang kamay nito ay hawak ng mahigpit ang kamay ni Max.
"Stop doing that, my brother. Baka isipin ng girlfriend mo minamaltrato kita," biro ni Maxine at tumawa. Alanganin tumawa si Max sinabi na huwag magbiro ng ganoon si Maxine.
Masyadong formal. Napa-what the f**k si Gabriela sa isipan. Wala pa din idea si Gabriela ano klase pagbi-brainwash ginawa ni Maxine sa kapatid niya para mag-act ng ganoon si Max towards her.
Hindi ini-expect ni Max na imbis sa main house dumeretso si Maxine, sa mansion niya ito pumunta kaya 'nong tumawag ang butler about doon agad siya nag-alala para kay Gabriela. Umuwi agad si Max.
"Anyway, hindi naman siguro burden sa inyo na dito muna ako mag-stay hindi ba? Masyado malungkot sa main house kung ako lang mag-isa tapos gusto ko din makilala itong bago mong girlfriend," ani ni Maxine na nakangiting nakatingin kay Gabriela. Agad na lumiwanag ang mukha ni Gabriela sinabi na wala sa kaniya problema. Sinabi din niya na gusto niya maka-close si Maxine.
Alanganin ngumiti si Max sinabi na walang problema.
So? After ng araw na iyon paisa-isa na gumawa ng mga move si Gabriela pero siyempre pinaka-highest priority niya ay ang safety ni Max.
Hindi niya hinahayaan mapag-isa si Max kasama ni Maxine. Tuwing kumukuha ng chance si Maxine solohin si Max dumadating siya.
Nakabukas bahagya ang pinto ng dressing room ni Gabriela at sakto padaan si Maxine.
"Miss Gabriela? Ano ginagawa mo? Kapag nalaman ito ni sir Max sigurado magagalit siya!"
Napatigil si Maxine after marinig ang boses ni Lumina. Kaharap nito si Gabriela na may seryosong expression malayo sa ipinakikita nito kapag kaharap sila ni Max. Gusto ni Maxine tumawa dahil doon.
"Masyado ito madami sigurado naman hindi niya mapapansin," ani ni Gabriela tapos pinakita ang ilang accessories na nasa lamesa at nag-cross arm.
"Tiyaka diba sabi niya akin lahat ng ito? Gagawin ko kung ano gusto ko. Kailangan ko din ng pera ano?"
Nagkibit ang balikat sinabi na jerk si Max at ginagawa parausan ang mga babae.
"Ayoko na hintayin na dumating iyong time na magsawa siya sa akin. Ano masama kung gatasan ko siya ng kaunti?"
Sinapo ni Lumina ang noo sinabi na isusumbong niya ito kay Max. Tumalikod ang babae agad na nagtago si Maxine.
"Lumina, wag mo ako subukan. Ako ang girlfriend ni Master. Sino sa tingin mo ang pagkakatiwalaan niya? Nakita mo din ang sobra-sobrang favor binibigay niya sa akin. Maaari pinagkakatiwalaan ka ni Master pero tandaan mo na maid ka lang at ako ang girlfriend. Kaya-kaya ko sirain ang reputasyon mo sa mansion na ito as my personal maid at mawalan ka ng trabaho."
Daig pa ni Lumina napagbagsakan ng mundo after marinig iyon. Umirap si Gabriela tapos may nilagay na mga accessories sa maliit na kahon.
"Ibenta mo lahat ng ito sa labas at siguraduhin mo hindi ito malalaman ni master."
Humarap si Lumina kay Gabriela at nanginginig kinuha ang jewelry box. Halata sa mukha ni Lumina ang panlulimo at dismaya.
Napatakip ng bibig si Maxine at gumawa ng nakakaloko na ngiti habang hawak ang phone niya. Nirecord niya lahat at magagamit niya iyon kay Gabriela but— kulang pa iyon.
As expected wala sa mga natanggap niya na impormasyon sa mansion na iyon ang totoo about sa new girlfriend ni Max.
"Hay naku, Max. Nakakaawa ka na nilalang."
Umalis na si Maxine dahil nakita niya palapit na sa pinto si Lumina dala ang jewelry box.
Nasa ibaba ngayon ng hagdan si Maxine hawak ang phone niya at nakangising nakatingin kay Lumina palabas ng pinto.
Maya-maya may tinawagan si Maxine na tao. Inutusan niya ito bilhin iyong mga accessories na ibebenta ng isa sa mga maid galing sa mansion ng mga Lambordi.
Kailangan niya ipakita iyon kay Max at magagamit niya iyon para sirain si Max at Gabriela.
"Wala kang ibang kailangan Max kung hindi ako lang. Masyado malupit ang mundo para sa iyo, Max. Poprotektahan kita."
Sa itaas ng hagdan nakatayo si Gabriela at walang buhay ang mga mata nakapako ang tingin kay Maxine na nakatago sa ibaba ng hagdan sa tabi ng napakalaking flower pot.