Chapter 46 "Mukhang hindi maganda ang panaginip mo." Bahagya lumingon si Max. Nakita niya si Gabriela na nakaupo sa gilid ng metal bed sa tabi niya. "Napanaginipan ko si mama." Doon napansin ni Max na nagbago na ang boses niya. Tiningnan ni Max ang mga kamay. "Nakakatawa kasi wala masyado pagkakaiba noong batang ako tapos ngayon. Immature pa din ako, duwag at hindi quick witted." Appearance lang nagbago sa kaniya hindi ang ugali at pag-iisip. Naiyukom ni Max ang kamao at tiningnan si Gabriela. "Sa tingin mo nagsisisi mama ko na sinilang ako? Dahil sa akin natali siya sa matandang Lambordi. Nagpakamatay siya dahil sa akin." "Ayan ba sinasabi sa iyo palagi ni Maxine?" tanong ni Gabriela. Hindi nakaimik si Max. Nawalan ng parents si Maxine dahil dumating sila ng mama niya sa buhay

