It was already six-thirty when I decided to buy something to eat. Since mag-isa lang rin naman ako dito, nasanay ako na puros instant food ang kinakain ko tuwing dinner kasi kapag nasa trabaho naman ako ay sa cafeteria na ako bumibili ng matitinong pagkain kagaya ng pakbet with rice o kaya adobo with rice. Pero dahil wala pa talaga akong sapat na budget, hahantayin ko na lang muna na makapasok sa trabaho bago mag-advance para na rin makabili ako ng groceries, kasama na roon ang isang box ng instant food at mga de lata na minsan ay babaon-baonin ko rin sa trabaho para makatipid. Pagkatapos kong suotin ang napili kong damit, agad akong lumapit sa full-length kong salamin na nakatayo malapit sa bintana ng kuwarto ko. Napili kong magsuot ng malaking hoodie jacket at simpleng leggings na pa