"I think you should find your friends first to accompany you going to the comfort room. It's..."
Napakagat ako ng labi habang iniisip kung sasabihin ko ba na hindi safe pumunta sa comfort room. Ayaw ko rin naman kasi na baka maapektuhan ang paborito namin na bar sa oras na sabihin ko na hindi ligtas ang buong lugar hindi lang sa mga babae kung hindi pati na rin sa mga kalalakihan na pumupunta dito.
Kung kaya't muli akong tumingin kay Julia na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Hay. Baka iniisip na niyang weirdo ako. I think too much.
"I mean, it's better if you are not alone. Alam mo na, puro mga nakainom din ang mga tao dito. Baka kung ano ang mangyari sa iyo habang papunta ka ro'n dahil bago ka lang dito," sabi ko na agad niyang sinagot ng pagtango habang nakangiti.
"Okay, I'll do that. Thanks, uhm, what is your name?" tanong niya na ikinangiti ko naman.
"Sheena. Sheena Dawson. Currently unemployed," sabi ko na agad ko naman ikinahiya.
Oh, my god! Bakit ko naman sinabi na wala akong trabaho? This is not definitely a great way to introduce myself to someone. Pero salamat naman na hindi ako tinawanan ni Julia. I mean, she's chuckling but she looks like someone who found what I said humiliating.
"Ay, talaga? What position are you looking for? May kaibigan kasi akong mapili sa mga nag-try na pumasok sa kompanya niya," nakangiti niyang sabi.
Holy moly guacamole. Nakakahiya iyong lantaran kong pagsabi na wala akong trabaho pero nakakatuwa at gusto akong tulungan ni Julia.
"Iyong last kong pinasukan, sekretarya ako do'n kaso hindi maganda magpatakbo iyong Chief Executive Officer. Isip-bata at puro babae ang pinapansin, hindi iyong mga tinatambak kong papeles noon sa opisina niya," natatawa kong sabi na ikinatawa rin ni Julia.
"Well, gano'n talaga kapag incompetent pero good thing at may experience ka," sabi niya kapagkuwan ay naglabas ng tila card mula sa kaniyang hawak na purse.
"Here," sabi niya kapagkuwan ay inabot sa akin ang calling card na agad ko naman kinuha. "The CEO has standards when it comes to his employees but once you got in, he gives his employees more than they deserve," sabi niya na ikinalaki ko ng mata habang nakakaramdam ng excitement.
"Oh, my gosh. Salamat dito, ha?" sabi ko habang nakangiti.
"You're welcome, and good luck," sabi niya bago ako muling tinalikuran.
Nang mawala si Julia sa hallway, agad kong tinignan ang calling card. Matte black ang kulay ng calling card habang sa gitna nang kabilang bahagi ng calling card ay nakalagay ang logo ng kompanya. Para iyong starship dahil sa kapansin-pansin na hugis ng letrang V at letrang X sa gitna. Nang baliktarin ko ang calling card ay agad kong nakita ang pangalan ng kompanya.
"Vallex Corporation, wow," tangi kong nasabi bago excited na nilagay sa case ng cellphone ko ang calling card.
Sana makapasok ako! Inviting naman kasi ang sinabi ni Julia tungkol sa sinabi niyang maraming binibigay ang mga kompanya sa empleyado. But for now, what I need to do first is get the hell out of here. Kung kaya't mabilis kong kinuha muli ang aking cell phone at nag-hire ng Grab. Mabilis naman akong nakahanap ng Grab driver pero iyon nga lang ay medyo may kalayuan pa ito sa kung nasaan ako ngayon kaya naman napagdesisyon ko na lang na pumunta uli ng bar counter.
Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung nasa paligid si Alexander Valerious o kaya iyong dalawa niyang alipores. Nakahinga ako nang maluwag nang makita na wala ang mga taong mapanganib sa buhay ko. Mabilis akong lumapit sa bar counter kapagkuwan ay umupo sa stool kung saan kaharap ko si Mr. Davis.
"What can I give you, Miss Sheena?" awtomatikong tanong ni Mr. Davis.
"Wala naman na, Mr. Davis," sabi ko pagkatapos ay umupo ng maayos sa stool. "But I want to ask something..."
"What about, Miss Sheena?" seryosong sabi ni Mr. Davis nang biglang may umupo sa kaliwang bahagi ng bar counter kung kaya't nanahimik muna ako habang hinahantay si Mr. Davis na matapos sa pagsilbi ng inumin.
Nang matapos na bigyan ni Mr. Davis ng whiskey ang isa sa mga customer, agad akong umayos uli ng pag-upo sa stool. "Mr. Davis, I'm really curious so I need to ask this. What do you know about the man earlier who is sitting beside me?"
Agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Mr. Davis dahil sa sinabi kong iyon. "Why do you want to know?"
"Because I saw something... I mean, what does he do for living? Alam mo ba kung anong trabaho niya?" tanong ko na sinagot naman niya ng pagbuntong-hininga.
"I'm sorry, Miss Sheena but what you are asking is information. Something personal. And if you are asking because you are curious, you must stop. I will not exploit my customer's information especially the VIP ones like you do just because you ask so stop," he said before turning his back on me but I will not let Mr. Davis get away just easily.
I already know something so maybe letting him know will push him to tell me more about those men named Brian, Dylan, and Alexander Valerious.
"I know that they are dangerous, Mr. Davis. I saw what Brian and Dylan did," sabi ko na ikinatigil ni Mr. Davis mula sa paglalakad bago ako muling hinarap at dahan-dahang lumakad papalapit sa akin.
"Miss Sheena, all that I can say is that you will not want to get involved with them. Their family is dangerous to anyone who's planning to mess or play with them. So please, save yourself from what you know," sabi ni Mr. Davis bago ako muling tinalikuran.
I'm right. Mapapanganib nga talaga silang tao. I mean, I know that what I did was wrong and has put me in the line of danger. Dapat ay hindi ko na lang sinundan si Alexander Valerious pero ang tanga ko para dagdagan pa ang problema. Slapping his handsome face without having his revenge on me is something that I know totally bruised his ego and that is why right now should be the start of me being careful and more cautious.
Shit, self! Kung bakit naman kasi ang curious kong tao. Hindi ko na lang sana sinundan ang lalakeng iyon. Hindi niya rin naman alam kung sino ako at hindi niya rin naman alam na alam ko kung anong klase silang mga tao pero ang gaga ko talaga.
Nakakainis!
ALEXANDER'S POV
That b***h! The skin of my face where that retard woman slapped stings. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-iisip mayro'n ang babaeng iyon para hindi siya makaramdam na nagsasalita ako ng masama para hindi na siya dumikit pa sa akin.
I get that I'm handsome but I'm not that kind of man who wants love. I don't even like the idea of falling in love. Kahit na may dalawa akong pinsan na parehong kasal na at may pamilya na, hindi ako nag-iisip na magkaroon ng gano'n kasayang pamilya. Not with the kind of family I have because my family is a mess.
My father is someone who's after power while my mother only likes shiny things. Kaya naman after mapunta kay Theodore at Kate ang korona para maging bagong hari at reyna ng kaharian ng mga bampira, hindi iyon nagustuhan ng aking ama.
He despises me for not having Kate as my wife as if I was the prophecied to marry Kate. Hindi naniniwala si Dad sa propesiya na nakalatag para kay Theodore at Kate. Dad said that I should have been the King if only I was fast to have Kate, to steal the woman whom Theodore loves the most. My father is a sick person to tell me things that he shouldn't especially when Theodore is around.
My father is the one who wants the crown and kingdom to bow down while I'm not. Our business and helping the kingdom of vampires is already enough for me to handle. My father hated me for not having the chosen one or even Krizza who also has the blood of Vrey.
Kaya naman ngayon, hindi ako pumupunta sa mansion dahil sa kagalit ko si Dad. Matapos mabuo muli ang pamilya ni Dylan dalawang taon na ang nakalipas, nagsimula na rin akong hindi pumunta sa mansion dahil lagi lang akong tinutulak ni Dad na gumawa ng kalokohan lalong lalo na ng mga bagay na against sa pamumuno ni Theodore at ni Kate.
I ain't no snitch. Hindi ko sasabihin kung anumang masasamang salita ang lumalabas sa bibig ni Dad dahil lang sa gusto niya na ako ang maging hari. Alam ko rin naman na hindi bababa si Dad sa level kung saan maghahanap siya ng tao para traydurin sila Kate at Theodore dahil silang dalawa ay karapat-dapat talaga na maging hari at reyna.
They know how to run the kingdom and I guess that's because they have their own family and children which they wish to have a better future together with mortals and vampires.
Pero Dahil kay Kate at Krizza, gusto na ngayon ni Dad na makahanap din ako ng mapapangasawa na kagaya ng mayro'n sila Theodore at Dylan but just like what I said, I'm not interested. Manigas si Dad sa kung ano man ang gusto niyang mangyari. I have tons of problems so having a woman will also just add to my problems.
Especially that right now, there's more Unsound spotted which makes us quite alarm for the safety of the mortals who are clueless about our existence. A few years already passed since the last battle. Bilang pa rin ang mga mortal na nakakaalam tungkol sa kagaya namin na mga bampira. We also started rejecting mortal students whom we observed carefully if they can manage to coexist in a place where vampire students go.
The days of the Blackwell Academy being open to all mortals have reached its end when reports of Unsound vampires victimizing reached us. I mean, we thought we have killed all the Unsound vampires because they are only being controlled to go in Blackwell Academy and to the kingdom but after captivating one, we immediately run our test and confirmed that Unsound vampires can create new but abnormal newborn vampires.
Dahil sa nalaman namin ay muli kaming naalarma. Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng meeting upang mapag-usapan ang tungkol sa mga Unsound vampires na natatagpuan namin. Every meeting has only made us more confused and alert and I feel like we haven't really made any progress. Like we are only running circles.
And honestly speaking, I feel like something is off but I don't really know for sure if we have new enemies. I don't really want to jump to any conclusion but knowing nothing is like finding an exit in the dark. I hate that we are clueless about how these Unsound vampires started appearing when the battle with Hearthstone already ended and years already passed.
Ilang taon na naging tahimik ang lahat na tila walang gustong kumalaban sa Valerious clan dahil nasa panig namin ang Chosen One na si Kate mula sa mga Vrey clan at si Krizza na may dugo rin ng Vrey. Kaya ang tanging solusyon lamang na tanging magagawa namin para sa mga Unsound vampires ay i-trace ang mga ito upang mahuli. Kasabay na rin do'n ang paghihigpit ng Blackwell Academy.
But damn. Muli akong napahimas sa pisngi ko na hanggang ngayon ay nanakit dahil sa ginawa ng baliw na babaeng 'yon. Kung alam ko lang na mahina makiramdam ang babaeng iyon, dapat ay ginamitan ko na ito ng aking kapangyarihan na kumontrol ng pag-iisip.
Naamoy ko na nakainom ang babaeng iyon kung kaya't inakala ko rin na madali ko siyang matatakot. Brian said that there's a mortal who saw them dealing with an Unsound inside the women's comfort room. Medyo inis din ako dahil sa ako ang gusto ni Brian na umasikaso sa nakakita sa kanila but I have no choice but to get the details about the witness, which is that crazy b***h who just slapped me in my handsome face as she was the only woman in the bar who is wearing leather leggings just like what Brian saw.
Damn it!