Agad akong natigilan habang nasa gitnang bahagi ng parking lot dahil sa biglang pagtunog ng aking cell phone. Napabuntong-hininga na lang ako kapagkuwan ay bagot na nilabas ang aking cell phone mula sa loob ng aking suit. Nang makita ko kung sino ang caller, mabilis ko iyong sinagot bago muling huminga para pigilan na mapasigaw dahil sa inis. "So what happened there, Alexander? Are you still in the bar? Is everything done? Tapos ka na ba diyan?" Brian asked cheerily. "Nah, everything is done but..." Damn it! Hindi ko kayang manahimik. Masakit pa rin ang pagkakasampal sa akin ng baliw na babaeng iyon. Kung bakit naman kasi hindi rin nag-iingat sila Brian at Dylan. Every mission like this should be a secret but this one... Sa pagkakaalam ko ay nakainom sila habang hinahantay namin