Kabanata 33 "We pray for the eternal repose of the soul of Mr. Olliver Ty, we pray that the perpetual light will shine upon him." Saad ng pari habang winawasikan ng holy water ang jar na naglalaman ng abo ni papa. "Johnny, paano naging abo si papa?" Tanong ko. "He was cremated." Pabulong na saad niya habang nakatingin sa jar. "Ano ang cremate? Parang masarap yon e." Bulong ko naman pabalik. Bumuntong-hininga siya na tila malapit nang mag-give up. Lumabi naman ako dahil hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkakaganoon. Siguro hindi niya nakayanan ang ganda ko? Tila mabilis na lumipas ang oras at nailibing na si papa. Ang pari naman na sinabi ni Johnny na kilala niya'y nakipag-usap kay Lastrel. "You really don't know how to cry, huh?" Saad ni Johnny habang naglalakad kami p