Kabanata 18 Pumasok na kami sa loob ng kwarto namin ni Johnny, si Curly Fold naman ay agad na pumwesto sa sofa niya, sumunod naman si Black Dicky sa kanya. "Meow." Tila angal ni Curly Fold. "Ngraw." Sagot naman ni Black Dicky. "If it's true that he can predict death, then I guess he'll be pretty useful." Saad ni Johnny habang nakatingin kay Black Dicky. Isang tipid na tango lang ang sinagot ko kay Johnny at tumitig sa mga malalaking bag na punong-puno ng mga alahas. "Johnny, pwede ko na bang buksan ang mga bag?" Tanong ko. "Of course, mi amore." Saad niya habang naghuhubad, "I bought all of the items inside just for you." Tila kuminang ang mga bag sa aking tingin at agad silang binuksan, nilabas ko naman ang mga alahas, mga dyamante, ginto, alahas, at lahat na at saka sila hinayaan