Kabanata 3
Silician Empire
Tumigil ang kotse sa harap ng isang matayog na tarangkahan, kasing-itim ang kulay nito sa gabi, tila lalabas na ang mata ko habang binabasa ang arko na nasa taas. Silician Empire. Iyon ang naka-indicate. Pero syempre, joke lang na lalabas ang mata ko. Alangan naman, 'di ba?
"Curly Fold, hindi ka ba naho-homesick?" Tanong ko sa pusang nakaupo sa aking kandungan.
Kumunot ang noo ni Johnny, lumabas naman ang isang gwardya mula sa guardhouse, sumilip siya sa bintana kung saan naroon si Johnny. Gosh! Kapal naman ng gwardyang ito, manilip ba naman? Sino ba naman kasi ang may gustong masilipan?!
"What the f**k are you doing?!" Halata ang inis at dismaya sa mukha ni Johnny. Syempre, sino ang hindi madidismaya lalo kung lalaki ka at lalaki ang maninilip sa iyo? Ayos lang siguro kung babae manilip kay Johnny, tiyak tuwang-tuwa ang bata kung sakali.
"Y-Young Master, kayo pala." Ngumiti ang gwardya.
"Ay putangina mo, hindi. Hindi ito si Young Master." Pamimilosopo ni Johnny sa gwardya.
Humagikgik naman ako dahilan upang mapatingin sa akin ang gwardyang maninilip, halata ang taka sa kanyang mukha kung bakit may isang diwata sa backseat ng kotse. Hihihi. Diyosa na lang.
Yumuko ang gwardya na tila kilala na ako at may sinenyas sa likuran dahilan upang awtomatikong bumukas ang gate, nagmaneho naman na papasok si Lastrel habang si Johnny naman ay nakasimangot pa rin.
"Johnny, ayos lang na masilipan ka. Wala naman atang makikita sa iyo."
He scowled, "ano ang pinagsasabi mo? Tangina. Shut up."
"Johnny, bad mood ka ba?" Tanong ko sa kanya habang patuloy ang pagtakbo ng kotse papunta sa isang malaking mansion na kitang-kita mula sa malayo.
Hindi niya ako pinansin kaya naman lumabi ako. "I'm pouting." Saad ko.
"Ganyan talaga si Young Master, Young Mistress." Singit ni Lastrel habang nakatingin pa rin sa daanan, mula sa side mirror ng kotse ay kita ko ang mga kotse ng mga tauhan kanina na nakasunod.
Tumigil ang kotse kung saan kami nakasakay sa harap ng mansion, kumislap naman ang mata ko dahil mas malaki pa ito kaysa sa mansion namin! Grabe, bes!
Tiyak sobra ang takot ngayon si Curly Fold, syempre, kung mas malaki ang bahay, tiyak mas maraming daga. Takot pa naman si Curly Fold sa daga katulad ko. Huhuhu. Katakot.
Bumaba na sina Johnny at Lastrel habang kami naman ni Curly Fold ay naiwan dito sa loob, kumunot ang noo ni Johnny at kumatok sa bintana sa gilid ko, "yes?" Ngumiti ako sa kanya.
"Ano pa ang hinihintay mo? Baba na."
"Ayaw."
"Bababa ba?" He scowled.
"Bababa." Sagot ko. "Pero ayaw pa rin."
He scowled, "why not?"
"May tanong muna ako."
He hissed, "what is it?"
"Marami ka bang alaga dyan sa loob?" Tanong ko sabay turo sa mansion. "Tiyak marami. Pinapakain mo ba sila? Nakakaawa kasi sila pero kahit na nakakaawa ay nakakatakot pa rin."
"What?" Halatang naguguluhan siya dahil sa sinasatsat ko. Hala, ang tanga lang ni Johnny bes. Hindi niya alam iyon?
"Daga. Wala bang alagang daga dyan sa mansion?"
He rolled his eyes, "the last thing I will ever want to see is a rat inside my f*****g mansion. So rest assured."
"Long story short, takot si Young Master sa daga." Taas-noong singit ni Lastrel.
"f*****g shit." Sinamaan ng tingin ni Johnny si Lastrel, binuksan naman na ni Johnny ang pinto ng kotse para pababain ako, niyakap ko naman si Curly Fold at saka bumaba na. I trust Johnny's words. Siguraduhin lang niya na wala talagang daga kung ayaw niyang mamatay.
"Let's get inside. It's getting foggy." Aya niya, tumingin naman si Johnny kay Lastrel, "babalik ka na ba sa klinika mo?"
"Kung wala ka nang utos, Young Master."
"Okay, go spend some time with your child."
May anak na si Lastrel? Aba, bongga. Sana ako rin magkaanak na. Tapos ang ipapangalan ko sa aking anak kapag babae ay Curly Foldess, kapag lalaki naman ay Curly Foldess din. Hihihi.
Nanlaki ang mata ni Lastrel, "paano mo naman nalaman, Young Master? Hindi ko talaga anak si Castro-"
"I don't f*****g care, he's your son, kahit man na inampon mo siya o ano, now go. You think you can keep secrets with me?" Ngumisi si Johnny, "you might be underestimating me, Lastrel."
Yumuko si Lastrel na tila nahihiya at umalis na. Naiwan naman ako sa harap ng mansion kasama si Johnny.
May isang tauhan ang biglang lumapit sa amin, "Young Master, dumating na po ang order ninyo na mga pagkain."
Biglang kumulo ang aking sikmura, bigla akong naglaway! Oh, my gosh! Andyan na! Makakakain na ako!
"Okay, bring them into the dining hall."
Yumuko ang tauhan at saka umalis. Ako naman ay naiwang tulala habang iniisip ang itsura ng mga pagkain. My god!
Hinawakan ni Johnny ang kamay ko ngunit agad ko itong binawi sa kanya, "kanina ka pa e! Makahawak ka sa kamay ko ha, feeling close, 'teh?"
He growled. "You will f*****g hold my hand or you will f*****g die in hunger."
"Ay, ayaw ko no'n, Johnny! Sino ba naman ang gustong mamatay na walang laman ang tyan?" Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay, "ayan, close na tayo. Hehehe."
He chuckled lowly before walking inside the mansion. Tila nalaglag ang panga ko dahil sa bumungad sa akin sa loob ng mansion, tila totoong dyamante ang mga chandeliers tapos ang dingding ay tila yari sa ginto.
My god! Nasabi ko na bang bukod sa p***y ay mahilig din ako sa mga alahas at ganitong bagay?
"Totoo ba ang lahat ng iyan?" Turo ko sa mga ginto, pilak, at lahat-lahat ng mineral.
"Yes."
"Naks naman!" Kumislap ang mata ko.
Bukod doon ay may mga malalaking vase din at statue, may mga paintings din. Tila nasa isang museum ako imbes na bahay. Pumasok kami sa dining hall, umupo si Johnny sa kabisera ng pahabang mesa habang ako naman ay umupo sa tabing gilid niya. Hinaplos ko si Curly Fold na tila natatakot sa paligid.
"Young Master, andito na ang mga pagkain." Anunsyo ng isang tauhan na kararating lang. Mabilis namang pumasok ang mga babaeng nakauniporme na tila kasambahay at nilapag ang lahat ng order namin sa pahabang mesa. Biglang napuno ang mesa pero kaming tatlo lang naman ang kakain!
Syempre, it's me, my p***y, and Johnny.
"Let's eat." Aniya.
Tumango naman ako, "wait! Let's pray first!"
He scowled, "pray? For what reason?"
"Tanga ka ba Johnny? Syempre para magpasalamat dahil sa mga biyayang bigay ng Diyos." Sabay turo sa mga pagkain sa mesa.
"Galing ang lahat ng iyan sa akin." He reasoned out, "hindi ba't dapat sa akin ka magpasalamat?"
"Tanga!" Sinamaan ko siya ng tingin, "shut up ka na lang! Ako ang magle-lead ng prayer."
Ang mga kasambahay naman ay suminghap dahil sa aking sinabi siguro kay Johnny, sinamaan silang lahat ni Johnny ng tingin, "leave."
Sapat na iyon para lumabas silang lahat sa silid, naiwan naman ako kasama si Johnny at Curly Fold.
"Dear God, thank you. Amen." Ngumiti ako at saka ko simulang pasadahan ng tingin ang lahat ng mga potahe. Hindi ko na alam ang uunahin ko pa.
"Ano iyan?" Tanong ko sabay turo sa nakakalaway na ulam.
"Linguine all'aragosta o all'astice, it's an Italian dish, you can simply call it as linguine with lobster." Sagot naman ni Johnny.
Saktong iyon ay mabilis akong kumuha roon at tinikman, tangina ang sarap!
"E ito?" Sabay turo sa lutong manok.
"Chicken Saltimbocca, a combination of Italian terms that means jumps into one's mouth. Most of these dishes combine a meat, such as chicken, with prosciutto ham, spinach, and mozzarella cheese. The combination will make you crave for more."
"Wow. Ano naman ito?!" Sabay turo sa ulam sa aking harapan, grabe, ang galing naman ni Johnny at alam niya ang pangalan ng mga potahe pati ang ingredients!
"Pasta primavera. A vegetarian dish. Kumakain ka ng gulay?"
"Syempre hindi!" Masaya kong kinuha ang buong plato at nilagay sa tabi ko, kinuha ko naman si Curly Fold at nilagay iyon sa harap niya, "Curly Fold, eat the veggies."
Masaya namang kumain ang pusa ko.
"Johnny, bakit ang daming alam mo tungkol sa pagkain?"
"I may not look like it but I'm a chef." Ngumisi siya.
Kumislap naman ang mata ko, "naks! May tagaluto na tayo, Curly Fold!"
Sumimangot naman siya dahil sa aking anunsyo, "hell no."
Sa gitna ng aking paglantak sa mga pagkain ay ramdam kong pasimple siyang tumitingin sa akin, kaya naman diretsa na akong tumingin sa kanya. "Johnny, bakit ka nakatingin sa akin?"
Umiwas siya ng tingin. "Nakasuot ka ba ng contact lens?"
Nanlaki ang mata ko, "oo."
"Bakit?"
"Kasi cute ako." I winked at him and ate again. Mabuti naman at hindi na siya nangulit pa. Ayoko kasi na malaman niya na magkaiba ang kulay ng mga mata ko.
"Tahan lang sa pagkain, wala kang kaagaw."
"Ang sarap e!" Masayang sagot ko. "Pero syempre, mas masarap ako. Hihihihi."