Napalingon si Phriix sa dalawang matanda na kasama niya sa loob ng kanyang opisina, akam niyang narinig nila ang sianbi ng kanyang kausap. Tinakpan muna niya ang telepono, at pinaalis an niya ang mga magulang ni Stella.
"Makakauwi na po kayo." ani Phrixx sa dalawang matanda na nagtataka pa rin sa kanilang narinig.
"Sige po, mauna na kami." sabi naman ng ina ni Stella, saka na sila lumabas sa room na iyon.
Nang makalabas na ang mag-asawa ay nagkatinginan ang mga ito, at nagmamadaling lumabas na ng mansyon.
"Wala ako sa Manila, at sala hindi ako Doctor, puwede ba tawagin mo ang mga kasamahan mo diyan sa bahay para may kasama ka." ani Phrixx sa kausap.
"Phrixx, please umuwi ka na." naiiyak na pakiusap ng babae.
"Hindi ako puwedeng umuwi ngayon gabi na, bukas na bukas uuwi ako, tatawagan ko si Manang para samahan ka, ingatan mo si baby." bilin ni Phrixx sa kausap. Pinatay na nito ang tawag, dahil may tatawagan siya.
-- -- -- --
"Nay, Tay, bakit ginabi yata kayo?" tanong ni Stella sa kanyang mga magulang.
"May tinapos lang ako sa mansyon tinulungan lang ako ng iyong ama." sagot ng Ina ni Stella.
"Ah' sige po nakahanada na po ang inyong hapunan, nakatulog na rin po ang aking mga kapatid, hindi na po nila kayo nahintay." ani Stella sa mga magulang.
"Ok lang anak, salamat sa pag-aalaga ng mga kapatid mo habang wala kami rito ng iyong Tatay." sabi ng kanyang ina.
"Walang anuman po 'yon nay, sige na po kumain na po kayo, alam kung gutom na rin po kayo." ani Stella.
"Ok na kami anak, mauna ka ng matulog." sabi sa kanya ng kanyang ina.
"Hihintatyin ko na po kayong kumain, at ako na po ang maghuhugas ng mga pinggan." ani Stella.
"Huwag na anak, kami ng bahala rito, matulog ka na at maaga ka pa bukas." sabi ng kanyang ina.
"Sige po, Nay, Tay, mauuna na po akong matulog." paalam ni Stella sa kanyang mga magulang, at tinalikuran na niya ang mga mgaulang. Pansin ni Stella na parang parehong balisa ang kanyang mga magulang, gusto niyang tanungin ang mga ito pero mas pinili na lang niya munang huwag silang tanungin.
Habang nakahiga si Stella ay iniisip niya ang mga magulang, kung paano sila kung wala siya, kung mag-aaral siya sa malayo. Pero hindi pa rin niya alam kung makapag-aral siya ng college, dahil wala silang pera, at sapat na ipon. Naisip na lang muna niya ang huminto at mag-trabaho muna para makapag-ipon siya, at makatulong muna sa kanyang mga magulang. Wala naman sa edad ang pag-aaral siguro naman kapag nakaipon na siya ng sapat ay makakapag-aral na rin siya, ayaw kasi niyang maging pabigat sa kanyang mga magulang hanggat kaya niya.
-- -- -- -- --
Kinabukasan, dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi makakauwi sila Phrixx sa Manila, nakahanda na saan sila pero sa sobrang lakasa ng ulan ay hini sila makakaalis.
"Hindi tayo aalis kung ganito ang panahon." ani Phrixx kay Jake.
"Balita ko ay may paparating na bagyo." ani Jake kay Phrixx.
"Hihintayin nating tumila ang ulan, at tingnan natin ang weather kung puwede na bumeyahe." ani Phrixx.
"Sige, Sir, ganoon na nga po." sang-ayon ni Jake.
"Sige, magpahinga ka na muna, aakyat lang ako." ani Phrixx kay Jake, sabay iwan nito kay Jake sa may sala.
Nagbihis muna si Phrixx ng damit, dahil nakapanglakad pa siya, dahil hindi sila makakauwi ngayon kaya mananatili muna sila sa hacienda. Binuksan niya ang malaking kurtina sa kanyang room at pinagmasdan niya ang bawat patak ng ulan at ang mga dahon na sumasabay sa malakas na hangin, nakaupo siya sa kanyang paboritong upuan sa kanyang room. Maraming pumapasok sa kanyang isip kapag mga ganitong panahon, isa na roo si Stella, ang babaeng matagal ng nakaugnay sa kanya, ngunit ngayon iniisip rin niya si Maxy at ang anak nito, hindi niya matatawagn dahil nawala ng signal dahil sa lakas ng ulan at hangin ngayon.
-- -- -- --
Walang pasok sila Stella, dahil sa lakas ng ulan, paggisng niya ay wala na ang kanyang mga magulang, ala niyang nasa mansyon ang mga ito, napapailing na lang siya dahil, kahit umulan ma't bumagyo ay pumapasok pa rin sila sa kanilang mga trabaho, kaya ito ang pinakaayaw ni Stella ang nahihirapan ang kanyang mga magulang, natatakot siyang may mangyarin masama sa kanyang mga magulang, kaya gagawin niya lahat makapagtapos lang siya ng pag-aaral para maiahon ang mga magulang sa kahirapan.
"Ate, bakita umalis pa rin sila Nanay at Tatay, kahit napakalakas ng ulan?" tanong ng kapatid nito kay Stella.
"And'yan kasi 'yong boss nila kaya nahihiya siguro silang hindi pumasok." sagot ni Stella sa kapatid.
"Bakit, Ate, masungit po ba 'yong boss nila?" tanong ulit ng kapatid nito habang kumakain sila.
"Huwag kang panay tanong, kumain na tayo, at lalamig na ang mga pagkain." ani Stella sa mga kapatid. Naisip na naman niya ang amo ng kanyang mga magulang, lalu na noong nakita niya sa batis, napapakunot noo na lang siya ng maisip ang tagpong iyon.
-- -- -- --
Hapon na kaya, panay ang abang ni Stella sa may bintana ng kanilang maliit na bahay, nagbabasakaling makita na paparatin ang kanyang mga magulang, malakas pa rin ang ulan kaya sobrang nag-aalala siya sa mga ito. Madilim na ang paligid dahil malakas pa rin ang ulan, ialng oaras na rin siyang naghihintay pero wala parin siyang nakikitang mga magulang na paparating, pinakain na niya ang kanyang mga kapatid dahil biglang nawala ang kuryente kaya gumamit muna sila ng 'di gas na ilaw.
Pagkatapos niyang pinakain ang mga kapatid ay binilin niya ang mga ito na huwag lalabas ng bahay, at susunduin niya ang kanilang mga magulang, baka kung ano na nangyari sa kanila. Dahil gustong mapabilis si Stella makarating sa masyon kaya sa mas mabilis siya dumaan na daan. Madilim na ang paligid pero hindi 'yon ininda ni Stella, dahil sobrang nag-aalala siya sa kanyang mga magulang. Nakasuot lamang siya ng kapote at dala ang maliit na flashlight para makita ang kanyang dinadaanan. Pagdating niya sa mansyon ay tahimik na ang buong bahay, kunting ilaw lamang ang nakailaw sa mansyon dahil generator lamang ang gamit nila. Tinanggal niya ang kanyang suot na kapote at dahan-dahan siyang pumasok sa mansyon, alam niya ang pasikot-sikot ng mansyon sa likod siya dumaan. Dahan-dahana ng kanyang paglalakad sa loob para hanapin ang kanyang mga magulang, ng biglang kumulog at malakas na kidlat sabay patay ng mga ilan na nasa loon ng mansyon, napasigaw at takbo si Stella ng bigla na lang siyang may nakasalubong na malaking bulto ng katawan, at napasubsob ang kanyang mukha sa matigas nitong dibdib. Sisigaw na sana siya ng bigla na lang tinakpan ang kanyang bibig.