Gulat na gulat si Donya Ellen sa sinabi ni Phrixx. "Yes." seryosong ani Phrixx sa ina. "No! Hindi ako naniniwala sayo, alam kong hindi ka papatol sa katulad ng babaeng iyon, saka ang bata-bata pa!" singhal ni Donya Ellen sa anak. "Hindi mo sure." saad ni Phrixx. Kitang-kita ni Phrixx ang galit na mukha ng ina sa kanyang mga sinasabi. "Never! Hinding-hindi ko, matatanggap ang babaeng 'yon, tapos tatawagin pa niya akong lola?" inis na inis na wika ng Donya. "Naghahanap ka ng apo di'ba, then na-meet mo na magbibigay sayo ng apo." patuloy ni Phrixx. "Alam kong iniinis mo lang ako, Phrixx!" sigaw ni Donya Ellen kay Phrixx. "Nope." nakangiting sagot pa ni Phrixx. "Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin, at alam kong nagbibiro ka lang!" inis na inis sabi ni Donya Ellen, sabay labas n