Matagal ang yakapang nangyari kina Phrixx at Stella, nang biglang bumuhos na talaga ang malakas na ulan, kaya bigla silang natauhan na dalawa. "Pumasok na tayo sa loob ng sasakyan." ani Phrixx kay Stella, at inalalayan niya ito papasok sa kanyang sasakyan. Medyo basa na rin silang dalawa. "Salamat, Sir, pasensya na po kayo, wala na po akong ibang mahingian ng tulong." makayukong sabi ni Stella kay Phrixx, no'ng nasa loob na sila ng sasakyan. "Walang anuman, anytime kung kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako." ani Phrixx kay Stella. "Sorry po talaga." mahinang sabi ulit ni Stella. Alam niya sa sarili niya na Boss nila 'to, at alam niya kung gaano ito na abala sa kanya, at ito pa nga ang sama ng panahon nasusuungin nila dahil sa bagyong paparating. Tiningnan muna ni Phirxx ang