Natahimik bigla si Phrixx sa narinig mula kay Brent. "Sir, and'yan ka pa ba?" ani Brent, nang hindi na nagsasalita pa si Phrixx. "Yes," tipid na sagot ni Phrixx. "May sasabihin pa po ba kayo?" tanong ni Brent. "Wala na bukas na tayo mag-usap sa opisina." ani Phrixx sabay patay sa linya. Hidni niya alam kung magiging masaya ba siya or magsisisi ba siya dahil sa nakuha na niya ang kanyang gusto. Napakuha tuloy so Phrixx ng alak at kaagad itong nagsalin sa wine glass sabay lagok, parang ambilis ng pangyayari para sa kanya. Ilang taon din niyang hinintay ang pagkaataong ito, at ito na nga dumating na at nagkatotoo na ang lahat. Nakuha na niya ang bayad na gusto niya. Sunod-sunod ang paglagok ni Phrixx ng alak, hanggang sa dalawin siya ng antok. -- -- -- Samantalang halos hindi makapaniw