Gulat na gulat silang tatlo sa sinabi ni Stella bago ito lumabas ng comfort room. "Bahala kayo sa buhay ninyo mag-isip, at mag-away away diyan." sa isip ni Stella at napangiti pa ito. "Narinig niyo ba ang sinabi ng hampas lupang iyon?" nanggagalaiting tanong ni Jia kina Maxe at Dexie. 'Wala akong pakialam at hindi ako naniniwala sa babaeng iyon!" ani Dexie at lumbas na. Sumunod naman si Maxe na lumabas at nag-iwan pa ito ng isang masakit na irap para kay Jia. Hinabol ni Dexie si Stella, at naabutan niya ito. "Halika nga rito." sabay hila ni Dexie kay Stella sa may garden ng kumpanya. "Ano ba binatawan mo ako!" utos ni Stella. "Sino ka ba? at anong pinagsasabi mong buntis ang asawa ni Phrixx?" tanong ni Dexie. "Una, wala akong obligasyon sayo para ipakilala ko ang sarili ko, baka k