Napasuntok si Phrixx sa kanyang table ng maalala niya, na may hindi pa siya nasabi sa asawa. Pero saka na lang niya sasabihin kapag humupa na kunti ang galit ng asawa. Kahit anong mangyari hindi siya papayag na maghihiwalay sila ni Stella. Mahal na niya ito, at handa siyang gawin ang lahat mapatawad at tanggapin siya nito bilang asawa. "Alam ko kung ano ang hindi mo pa nasabi." nakangiting saad ni Brent. "Saka na." ani Phrixx sabay bato kay Brent ng nahawakan nitong gamit. "Jake, puwede ikaw muna mag-drive kay ma'am Stella?" tanong ni Brent kay Jake. "Bakit?" taas kilay na tanong ni Jake na nanahimik sa isang sulok, habang nilalaro ang phone niya. "Parang felling ko kakainin ako ng buhay ni Ma'am Stella." sagot ni Brent na nakangiti pa. "Hindi kumakain si Ma'am Stella ng kagaya mo,