Napasigaw si Stella, nang makita niya si Phrixx, hindi niya alam ang kanyang gagawin, dahil sa pangalawang pagkakataon na niya itong nakitang gan'on. Kaagad na nagtakip ng katawan si Phrixx, dahil sa gulat na rin niya kung bakit biglang pumasok si Stella sa kanyang room. "Ang tanga ko." mahining usal ni Stella, kung bakit ba naman kasi sa katangahan niya ay hindi niya tinandaan ang room kung saan siya natutulog. Katabi lang kasi nito ang room ni Phrixx sa pagmamadali niya ay ibang room ang kanyang napasok. "May kailangan ka?" tanong ni Phrixx kay Stella, nakatalikod na ito sa kanya. Lalabas na san si Stella nang buksan na niya ang pinto ay nag-automatic locked ito. "A-A e, wala po, maling room lang po ang napasok ko." nauutal na sagot ni Stella kay Phrixx. "Ha? bakit saan ka galing?"