"Ang babaeng 'yon ay A--" "Sir." biglang pasok ni Melvie, ang secretary nito kaya hindi naituloy ni Phrixx ang kanyang sasabihin. "Ano 'yon, Melvie?" tanong ni Phrixx kay Melvie. "Ibibigay ko lang po 'tong pinapagawa ninyo, Sir." ani Melvie, sabay abot sa isang folder. "Sige, salamat." ani Phrixx, sabay kuha sa folder, at binasa niya ito. "Bumalik ka na lang sa ibang araw, Maxe, kailangan kong pag-aralan ito." ani Phrixx kay Maxe. "Pero, Phrixx." ani Maxe. "Maxe, please lang." ani Phrixx, at tinuon nan ito ang atention sa kanyang ginagawa. "Babalik ako, Phrixx, kailangan mong mapalayas ang babaeng 'yon." ani Maxe, at inis na inis na itong lumabas ng opisina ni Phrixx. Naiiling na lang si Phrixx sa sinabi ni Maxe, malapit na siyang madulas, at masabi kung sino si Stella sa ka