"Phrixx, anong anak ang pinagsasabi ninyo?" taas kilay na tanong ng babaeng kararating lang. "Mom, let me explain." ani Phrixx. "Siya pala ang mother? mabuti at nandito siya para makilala niya ang kanyang apo." ani Tamina. "Apo?" gulat na tanong ni Donya Ellen na halos magkasalubong ang kilay. "Opo." agad na sagot ni Tamina. "Tamina tumigil ka sa kalukuhan mo!" mariin na sabi ni Phrixx. "Pwede ba magsitigil nga muna kayong dalawa!" sigaw ni Donya Ellen, dahil naguguluhan siya sa nangyayari. Nasa gitna sila ng pagtatalo ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Melvie dala ang isang sangol. "Ma'am, kanina pa po umiiyak ang anank ninyo, baka po gutom na." ani Melvie na walang alam na sa nangyayari sa loob, nakatingin sa kanila ang tatlo sa loob, habang buhat nito ang bata. "