Gulat na gulat si Leen, nang nakita niya si Stella, hindi niya alam ang kanyang isasagot, siguradong mawawalan na siya ng trabaho nito. "Leen?" tanong ulit ni Stella kay Leen na nakatitig lang sa kanya. "A-Ah... "A, nawalan siya ng trabaho kaya, nag-apply siya rito." singgit ni Brent na nasa kanilang likuran. Saka niya tiningnan ni Brent si Leen, at nakuha naman nito ang ibig sabihin ni Brent sa kanya. "O-Oo, tama si sir Brent, noong nawalan ako ng trabaho ay saktong kailangan nila sir Phrixx ng kasambahay na makg-aalaga ng palaka kaya ako nag-apply." pagsisinungaling ni Leen kay Stella, dapat niyang gawin ang magsinungaling kaysa mawalan siya ng trabaho. "A, ganoon ba?" sabi naman ni Stella, na parang paniwalang paniwala sa sinabi ng dalawa. "Oo, sige na Leen, gawin mo na ang ginaga