"WHAAAT!!" Nanlaki ang mga mata ni Jia sa nirinig niya mula kay Stella. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. "Ambisyosa ka rin 'no?!" sigaw ni Jia kay Stella, dahil nakalayo na ito. Gigil na gigil siya kay Stella gusto niya itong habulin at pagsasampalin para magising ito sa katutuhanan. Bukas na bukas din ay ipaparating niya kay Phrixx ang sinabi ni Stella sa kanya para palayasin ni Phrixx sa kumpanya niya si Stella. -- -- -- -- Kitang-kita naman ni Maxi sa hindi kalayuan na sumakay si Stella ng sasakayan. Hindi naman makilala ni Maxi kung sino ang lalaking sumunta kay Stella. Sa isip niya ay lalake ito ni Stella. Ngunit imbes na sa harap sumakay si Stella katabi ng driver at hindi, sa likod ito sumakay. Kanina pa niya ito inaabangan gusto niyang malaman kung saan tumutuloy si Stella.