"Mom?" gulat na bigkas ni Phrixx, nang makita nito ang ina. "Sino siya? at anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod na tanong ng ina nito. "Mom, pati ba naman dito sinusundan mo ako?" tanong ni Phrixx, habang ang haba na ng leeg ni Donya Ellen kasisilip kung sino ang nakahiga sa may kama. Hindi niya kasi nakikita dahil nakaharang si Phrixx. "Nakita lang kita, sinundan lang kita, saglit nga sino ba 'yan?" saad ng Donya sabay pasok na talaga at tingin sa nakahiga. "Mom si Leen 'yan." saad ni Phrixx. "Aba ang suwerte naman ng kasambahay mo at may pa-flowers pa, at saka naka vip room?" taas kilay na tanong ni Donya Ellen. "Mom, tauhan ko sila, pinagsisilbihan nila ako ng maayos, kaya itrato ko sila ng maayos." palusot ni Phrixx. Habang naglalakad na siya kanina ay nag-message na si Brent na