Gulata naman si Phrixx sa sinabi ni Stella, hindi niya alam kung masaya na siya, dahil asawa na ang tawag sa kanya ni Stella, or takot siya dahil madagdagan na naman ang kanyang kasalanan. "Sino ka ba at tatanungin ko pa kay Phrixx, kung sino ang asawa mo!" inis na saad ni Dexie. "Talaga ba? wala kang pakialam?" taas kilay na tanong ni Stella. Hindi naman makaimik si Phrixx, dahil baka mas lalong magalit ang asawa. "Oo, wala akong pakialam sa asawa mo!" bulyaw ni Dexie. "Wala? e' anong ginawa mo?" tanong ni Stella. "Hoy, kung sino man 'yang asawa mo, bakit hindi mo puntahan, at siya ang kausapin mo, hindi 'yong pati kami dinadamay mo!" sigaw ni Dexie. "Gusto mong malaman kung sino ang asawa ko?" pang-iinis lalo ni Stella. "Oo!" sigaw ni ulit ni Dexie, dahil napipikon na siya kay S