"Ha??" gulat na sambit ni Stella sa narinig niya mula kay Phrixx, nagtakip siya ng kumot, at inisip niya kung anong nangyari at bakit nasa room siya ni Phrixx, at nakatulog pa siya mismo sa bed nito. Parang gusto na lang lamunin siya ng bed ni Phrixx sa kahihiyan. Gusto niyang tumakbo palabas pero nahihiya siya. Nanatili pa rin siyang nagtatago sa makapal na comforter ni Phrixx. "Sasa room kita, i mean." nakangiting wika ni Phrixx, na may kasamang paglalambing ang boses. Habang tinitingnan ang asawa na nagtatago pa rin sa kumot. Binigla niyang iniangat ang kumot at pati siya ay pumasok na rin sa loob, kitang-kita niya ang namumulang pisngi ni Stella. Nagkaharap ang kanilang mga mukha sa ilalim ng makapal na kumot na iyon. Mga mata lang nila ang nag-uusap. Hanggang sa unti-unting inilapi