HINDI NA alam ni Nadja kung ilang oras na siyang nagpapalakad-lakad sa parteng iyon ng Stallion Riding Club na hindi gaanong puntahan ng mga tao. Gusto niyang mapag-isa at itago sa lahat ang kanyang kabiguan nang gabing iyon. She was hurt, badly. Pero sino ba ang dapat niyang sisihin kundi ang sarili lang niya? Kaya ngayon, magdusa siyang mag-isa.
She fell inlove with Ian Jack before because he had been the epitome of the Prince Charming she always dreamt of. Ito ang naging kabuuan ng kanyang mga pangarap pagdating sa pag-ibig. At kahit minsan, hindi siya nasaktan ng pangarap niyang iyon. Pero nang dumating sa buhay niya si Angelo, naging kaaway agad ang tingin niya rito dahil noong una pa man ay pilit na nitong kinukuha ang atensyon niya kay Ian Jack. Kahit ang totoo ay wala naman itong ginagawa talaga. His mere existence was enough to shatter her beautiful dream. And replaced it with the most wonderful feelings she never thought she could ever feel. Maaaring ginulo nito ang tahimik niyang mundo. Ngunit hindi rin niya mararanasan ang totoong kahulugan ng pag-ibig kung sakaling hindi ito naging pasaway sa buhay niya.
Mapait siyang napangiti. Pero wala ng silbi ang realization niyang iyon ngayon. Lumayo na sa kanya si Angelo. Kung meron mang itong nararamdaman sa kanya bago mangyari ang naging ‘pagtatapat’ niya kay Ian Jack, siguradong naglaho na iyon ngayon. Ebidensiya na ang mga babaeng nakapaligid dito kanina sa Riders Veranda.
Napatingala siya sa madilim na kalangitan nang maramdaman ang malamig na patak ng ulan.
“Great. Sige, makiramay na ang lahat ng gustong makiramay sa kamiserablehan ko ngayon. Kailangang-kailangan ko ng karamay…” Napakagat labi siya upang pigilan ang mga luha sa kanyang mata. Na nawalan din ng silbi nang ma-realize niya kung kaninong bahay ang nasa harapan niya ngayon.
“Angelo…”
Kasabay ng tuluyang pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagdaloy na rin ng mga luha sa kanyang mga mata. Lalo na nang makitang lumabas ng bahay ang lalaking tanging umuukopa na ngayon sa puso niya. Gusto niyang umalis dahil alam niyang wala na siyang karapatang manatili pa sa harap niya ngunit ayaw namang makisama ng kanyang mga paa. Kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan hanggang sa makalapit si Angelo.
Oh, yes, she was truly, madly, deeply inlove with this man. Kahit si Ian Jack, ni minsan ay hindi siya nabigyan ng ganitong klase ng damdamin. Ni minsan, hindi niya ginustong umiyak at tumawa ng sabay sa sobrang emosyong nararamdaman niya para sa isang tao. Kay Angelo lang.
“Naistorbo ba kita?” Salamat na lang sa ulan at naitatago niya ang kanyang mga luha. “Pasensiya na. Hindi ko naman talaga gustong pumunta rito at maistorbo ka. Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako rito. Sige, magpapahangin na lang uli ako sa ibang lugar—“
“Nadja.”
“I don’t know why I’m here either, I swear. Naglalakad-lakad lang naman talaga ako rito tapos…tapos nakarating na ako rito…”
Hindi na niya napigilan pa ang mapaghagulgol. I’m sorry, Angelo. Binabawi ko na ang mga narinig mong sinabi ko sa Picka-Picka kaninang hapon. Hindi totoo ang lahat ng iyon. Please…come back to me.
Napayuko na lang siya habang patuloy sa paghagulgol. “I’m sorry…”
Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagbalot ng maiinit nitong mga braso sa kanyang katawan. Mahigpit siya nitong niyakap, pilit na itinatago upang hindi na mabasa ng ulan. Hinayaan na lang niya ang sariling kumilos ayon sa kagustuhan ng kanyang puso. Matagal-tagal ding sandali ang lumipas na magkayakap sila sa gitna ng malakas na ulan na iyon. Ngunit ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng lamig. Dahil nasa mga bisig siya ng lalaking kanyang minamahal. At siguro, patuloy na mamahalin hanggang sa magsawa siya. But then again, magsasawa nga kaya siyang mahalin ito?
I doubt it.
“Let’s get inside the house,” bulong nito. “Baka magkasakit ka pa.”
Tahimik lang siyang tumango at sumunod ang igiya siya nito patungo sa bahay nito. Hindi pa rin siya nito inilalayo sa tabi nito.
“M-mababasa ang carpet mo,” aniya.
“Damn the carpet. Hayaan mo iyang mabasa.” Patuloy siya nitong iginiya patungo sa banyo na malapit sa kusina. “Ituloy mo na iyan sa paliligo. May hot and cold shower diyan. Pati ‘yung bathtub.”
“Pero wala akong damit na pamalit—“
“Ako na ang bahala roon. Basta ang importante mainitan ang katawan mo sa ngayon.”
“Paano ka? Basang-basa ka rin.”
“Don’t worry about me. May banyo sa kuwarto ko, doon na lang ako maliligo.” He gently pushed her inside the bathroom. Pagkatapos ay marahan din nitong tinuyo ang mga luha sa kanyang pisngi. “Will you be alright now?”
Tumango lang uli siya. He brushed the wet strands of her hair away from her face. It was the gentlest gesture anyone had ever given her that day. At ang maranasan iyon sa piling nito ay isa ng magandang kapalit para sa nagbabanta nilang tuluyang paghihiwalay ng landas. Puwede ng baon iyon sa kanyang pag-iisa sa mga susunod na mga araw.
“Nadja.” She looked up to him. “Ian Jack doesn’t have the heart to love you the way you want him to. So, just forget about him. I can help you.”
“Huh?”
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapagtanong kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. O magpaliwanag na hindi naman si Ian Jack ang dahilan ng pagngawa niyang iyon sa ilalim ng malakas na ulan. Dahil hinawakan na siya nito sa magkabila niyang pisngi at lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Saglit lamang iyon, mga limang segundo. Ngunit damang-dama niya ang init na hatid niyon sa kanyang buong katawan. Damang-dama niya ang pagkalma ng puso niya sa lahat ng problema at sakit na naranasan niya sa loob lamang ng ilang oras.
“Marami pang lalaki sa mundo ang puwede mong mahalin, Nadja. Huwag mong itali ang puso mo sa isang taong hindi marunong magmahal. You deserve someone better. You deserve to be happy. You deserve to be loved.”
Tango lang uli ang kanyang naisagot. Although wala namang dapat sagutin. Iyon ang rumehistrong malinaw sa kanyang isip dahil sa sobrang pagkabigla niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya.
“Go and take a bath now, Nadja. I don’t want you to get sick.”
“Angelo—“
“Hmm?”
“Ano…s-salamat.”
“Walang anoman,” nakangiti nitong sagot. And that smile of his was enough to make her feel a lot better. He started to walk away again.
“Angelo, sandali.”
“May kailangan ka pa ba?”
“May ano lang…may gusto lang sana akong itanong.”
“Tungkol saan?”
Bakit mo ako hinalikan? Ikaw ba ang tinutukoy mo na makakapagpasaya sa akin? Na magmamahal sa akin?
“Nadja?”
“Ah…” Kaya ko bang itanong? Bahala na nga. “M-may dryer ka ba rito?”