CHAPTER 7

810 Words
NAKAKADALAWANG BESES ng nagpapabalik-balik si Nadja sa kusina at lanai dahil sa paghahatid ng kape at breakfast para kay Angelo nang marinig niya itong magsalita. “There’s a tray that you can use at the kitchen, you know,” wika nito nang hindi siya nililingon mula sa pagbabasa nito ng diyaryo.  “Nahihilo na ako sa pagpapabalik-balik mo.” Tiningnan niya ito ng masama.  Well, at least that was her intention.  But when she saw that handsome face with a carefree aura, everything she wanted to say just flew out of her mind.  Asar!  Ibinaling na lang uli niya ang kanyang atensyon sa ginagawa. “May kulang pa ba rito sa order mo?” tanong na lang niya.  Kailangan na talaga niyang ayusin ang takbo ng kanyang isip kapag kaharap ang lalaking ito.  kung hindi, malilintikan siya sigurado.  “Kung may kulang pa, pakisabi na lang.” “Wala na.”  Ibinaba na nito ang binabasang diyaryo at tiningnan ang nasa hapag.  “This is too much.  Maupo ka riyan at tulungan mo akong ubusin ito.” “Ha?” “Sayang kung itatapon ang pagkaing hindi ko mauubos.  Kaya kumain ka na rin.” “Nang-aasar ka ba talaga o ano?” Tiningala siya nito since siya ang nakatayo.  “What’s the problem?” “Anong what’s the problem ka diyan?  Pinagluto mo ako ng marami tapos ngayon sasabihin mong hindi mo mauubos iyan kaya kailangan kong kainin ang matitira mo?”  Naipadyak niya ang isang paa sa sobrang inis.  “Kung hindi ka lang papatol, Angelo, kinutusan na kita talaga.” “May sinabi ba akong tira-tira ko ang kakainin mo?”  Iniurong nito ang isang upuan para sa kanya.  “Sasabayan mo akong kumain.  Now, sit down.  Mahirap kumain ng nakatayo.  Hindi ka mabubusog.” Padabog siyang naupo.  Hindi talaga niya maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking ito.  And to think na minsan niyang naisip na nagkakagusto na siya rito.  Haller!  Malabong magkagusto siya sa isang kasing g**o nito. “Ganyan ba talaga kalabo ang mga taga-Stallion Riding Club?  Grabe.  Hindi kayo maarok ng isip ko, as in.” “Kumain ka na lang.”  Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya.  “Gutom lang iyan.” “I’m not hungry.”  Binalingan siya nito  And she felt something shoved her heart.  Kaya mabilis niyang dinampot ang kutsara at tinidor.  “Grabe, ang sarap ko palang magluto!” Hindi na ito nagsalita pa at tahimik na lang ding kumain.  Maganda ang tanawin sa paligid.  Hindi pa rin nagpapakita ang araw dahil napapalibutan pa rin ng hamog ang kabuuan ng lugar na iyon.  Pati ang Bulkang Taal ay hindi pa rin halos makita sa kapal ng hamog.  The stillness of the whole place, the serenity of their surroundings, should have been enough to take her attention.  Pero ang nangyari, ginawa lang niya iyong distraction upang hindi na mapatutok ang atensyon niya sa kanyang kaharap. Tumikhim siya.  Distraction, she needed a distraction.  “Tapos na ba ang photoshoot ninyo?” “Hindi pa.  Mamayang hapon pa ang resume namin para may araw.  Kailangan namin iyon para mas maging natural ang dating ng mga larawan.  Sayang ang ganda ng Stallion Riding Club kung gagamit kami ng artificial lightings.” “’Buti pumayag si Reid na dito kayo mag-shoot.  Hindi ba’t inlove iyon sa SRC niya at ayaw na ayaw na nae-exploit ang lugar?” “Wala naman kaming sinisirang parte ng SRC.  Ako man ay ayokong may masisira sa kahit na anong parte ng lugar na ito.”  Sumandal ito sa kinauupuan at pinagmasdan ang paligid.  “I like SRC the way it is.  Gusto ko lang ipagmalaki ang lugar na ito sa lahat.” “Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmayabang.” “True.”  He sighed and continued watching the magnificent view in front of them.  “Sino ba ang hindi magyayabang kung nakatira ka sa ganitong lugar?  And SRC gave me the things that I crave most.” “And that is?” “Privacy.  Alam naman nating lahat kung gaano ako kasikat.  Kahit saan ako magpunta, lagi akong pinagkakaguluhan.  Hindi na ako makapaglakad ng normal kapag nagpupunta ako ng mga mall at restaurants na gusto ko.  Malaking hassle iyon sa akin.  Kaya nang marinig ko ang tungkol sa SRC, hindi na ako nagdalawang isip na magpa-member dito.  Anyway, kaya ko naman ang lifestyle nila rito since mayaman ako, so I guess its fine.” Sambakol na ang mukha niya habang nginangata ang bacon strip.  “Bakit kapag nagkuwento ka, parang mas lalong lumalakas ang hangin dito?” “Nakikiayon lang ang panahon sa mga sinasabi ko.”  He picked up his cup of coffee.  “Mamaya sa photoshoot, sumama ka.” “Bakit?” “Kailangan ko ng alalay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD