DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2 MATTHEW & KIERSTENN 31 Magdamag silang nagpakaligaya na para bang wala nang bukas. Nagising si Tenten dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa siwang ng binatana. Kumurap-kurap siya at at dahan-dahang bumangon. Iginala niya ang kanyang paningin saka sinulyapan ang kanyang katabi. Napangiti siya at masuyong pinagmasdan si Matthew na mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Hinaplos niya ang pisngi ng binata. Hindi pa rin siya makapaniwalang sila na nga. Dati kasing naaawa siya sa lungkot na nasa mga mata nito. Yun pala ay pag-ibig na, pag-ibig na ipinaglaban niya kahit di siya sigurado. Kumilos ang ang binata at umungol, napangiti siyang muli. "Ten, " anas sa kanya ng binata. "Hmmm?" Sagot niya. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko?" Tanong ni Matthew sa kanya.