DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 MATTHEW & KIERSTENN Natapos naman nang maayos ang kanilang usapan tungkol sa kasal nilang dalawa. Kahit pa medyo nag-aalangan ang binata dahil sa unang impression nito sa ama ni Tenten. Napagdesisyunan nilang kasalan na agad pagdating ng kanilang Cess. Hapon na nang magpasya na silang pabalik ng Villa. "Mas mabuti sigurong maiwan ka na dito anak," sabi ng tatay nito. Agad natigilan ang lahat at nagkatinginan. "Itay?" Tutol ni Tenten. "Nakow! Ganun naman dito ah! Magkikita lang kayo sa simbahan na." Sagot ng matanda. "Noon po iyun ngayon hindi na po," tugon ni Tenten. "Kailan pa nagbago iyun aber?" Medyo iritadong wika ng ama ni Tenten. Tumikhim si Matthew at tumingin kay Tenten. "Ang nagbago ngayon, nagsasama muna bago magpakasal. Wala kayo noong

