Umuusok parin ang ilong ni Tenten sa inis niya kay Matthew. Mahulog ka lang sa akin bwisit ka iiwan kita sa ere damuhong ka aniya sa kanyang sarili. Inis siyang nakatulog. Kinabukasan maaga na naman siyang nagising ngunit hindi siya bumangon nanatili siyang nakadilat. Samantalang kanina pa lumilingon sa pintuan ng dining room kung lilitaw ba si Tenten. Napangiti siya ng maalala kagabi akala niya hindi niya alam na sinasadya siyang akitin. Pinagtimpla narin niya ito ng kanyang kape. Saktong hihigop na siya ng kanyang kape ng bumungad ito. Nakasimangot sa kanya at aatras sana ngunit tumikhim siya. "Wag ka na umatras magkape ka na para mainitan ang sikmura mo" wika ng binata. Inirapan siya ng dalaga saka pumihit humarap. "Ayan na yung kape mo para hindi ka na mainis diyan" patuloy ng binata. Natigilan si Tenten at sinulyapan ang kape sa kanyang harapan. "Baka naman linagyan mo yan ng pangpaamo ah" nakairap paring wika nito. Ngumisi si Matthew. "Kahit di ko na lagyan maamo ka na sa akin" nakangising sagot ng binata. Pinandilatan siya ni Tenten at kinuha ang kape saka siya nito iniwan. Umiling iling naman ang binata. Padabog na naglalakad ang dalaga papunta sa hardin. Bubulong bulong siya ng makasalubong niya si Grace. "Andiyan ka pala aalis na kami mamaya ikaw kung uuwi ka sa atin o hihintayin mo ang kambal" bungad na sabi ng kanyang pinsan. Nag-isip si Tenten ngunit naalala niyang nasa isang kapatid niya ang kanyang ama na nagbabakasyon. "Gusto ko sana kaya lang wala pala si Tatay sa bahay na kay Ate Loida nagbakasyon" sagot niya dito. Ngumiti si Grace sa kanya. "Okay hintayin mo nalang sina kambal dito kung may problema ka tawagan mo lang ako ibinilin na kita sa dalawang ungas" nakangiting saad ni Grace. "Ano?!" Nandidilat niyang bulalas. "O bakit? may problema ka ba sa dalawang ungas? mababait ang mga iyun sinabi ko pag nabobored ka ipasyal ka nila" nagtatakang turan ni Grace. Pilit ngumiti si Tenten dito. Tumango nalang siya para dina humaba ang kanilang usapan. Tinulungan niya ang kanyang pinsan na mag-impake. Niyakap niya ang kambal at hinalikan ng ready na ang mga ito paalis. "Ingat kayo dun ah mamimisa kayo ni Tata" maluha luha niyang sabi sa kambal. Nginitian siya ng mga ito at niyakap siya. Biglang lumitaw si Matthew sa kanilang likuran at kinarga si Zia. Hinagkan niya ito sa noo saka pinanggigilang niyakap. "Mamimiss ko ang prinsesa ko" malambing nitong turan kay Zia ngiting ngiti naman ang bata saka kinarga niya din kinarga si Zion at hinalikan. "O paano kayo muna bahala kay Tenten ha?" Wika ni Grace. Tumango naman sina Rayver at Matthew. "Dapat pagbalik niyo may kasunod na sina kambal" sabad ni Rayver. Tumawa ang mag-asawa. "Dont worry ampas may laman na yan kaya kahit di mo sabihin talagang lalamanan ko si Grace ulit" sagot ni Nathan. Tinampal ni Grace ang balikat ng kanyang asawa. Kahit mag-asawa na ang mga ito ay namumula parin si Grace sa mga sinasabi ng asawa nito. Bigla namang nainggit si Tenten sa kasweetan ng mag-asawa. "Sana all" di niya namalayang bigkas niya. Tumingin ang lahat sa dalaga. Naputol ang ang pantasya ni Tenten kaya napatingin din siya sa mga ito. "Rayver hanapan niyo nga si Tenten ng kanyang kasana all niya" tudyo ni Nathan. "Nahanap na niya kaya lang walang may gusto sa kanila na umamin" makahulugang wika ni Rayver saka tinapunan ng tingin si Matthew na nakairap sa kanya. "Oh? at sino siya pinsan ha?" ani ni Grace na nanunudyo. Si Tenten naman ngayon ang namula. "Maniwala ka diyan kay ampas kung meron man pinsan itatali ko siya sa dibdib ko para di na siya makawala pa" pagkakaila ng dalaga. Napaubo naman si Matthew sa narinig. Nagkatinginan ang tatlo at kumindat si Rayver sa mag-asawa tumango naman si Nathan at malawak naman ang ngiti ni Grace. Nagpaalam na ang mga ito at umalis na sila. Nang hindi na matanaw ni Tenten ang sasakyan ay pumasok na siya sa loob iniwan na niya ang dalawa sa labas dahil naiinis parin siya kay pervert na Matthew. Tiningnan ni Rayver si Matthew. "Ano?" Inis na tanong ng binata. Ngumisi si Rayver. "Lonely ka ba? wala ngayon si Reyna mo at ang prinsesa mo...si abnormal lang ang meron baka sakaling mapansin mo na siya" tuksong sabi nito. Binatukan niya ang binata at iniwan na niya ito. Humalakhak si Rayver at umiling iling na tinitingnan si Matthew.