DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 MATTHEW & KIERSTENN Gabi na nang makabalik si Matthew sa Villa. Nakasimangot na nga si Tenten dahil sa kahihintay dito. Panay ang kanyang lakad na animoy isang pusang di makaanak. Halos mapalundag pa siya ng makitang dumating na ang binata. Inamoy-amoy niya ang kanyang sarili para tiyaking mabango pa rin siya. Siyempre nakailang ulit siyang naligo just to make sure na mabango pa rin siya pagdating ng binata. Gusto niya sanang salubungin ito pero nahihiya siya dahil nasa sala ang mag-asawang Grace at Nathan. Nakita niyang dumarating ang binata kaya agad niyang inayos ang kanyang sarili at nagkunwaring busy siya sa binabasang newspaper. Agad itong humalik sa kanyang pisngi at naupo ito sa kanyang tabi. Inakbayan siya ng binata at tinitigan siya. "Did yo