MADGET HINDI agad nakakibo si Conor nang marinig ang mga sinabi ko tungkol sa mga nawawalang dokumento sa bahay ni Attorney Azurin. Para siyang biglang nanghina sa nalaman kaya't wala siyang kibong naupo sa isang tabi. Hindi makapagsalita ang mga nasa paligid namin dahil narinig din nila ang mga sinabi ko. Walang kahit na anong salita ang nais lumabas sa aming bibig dahil baka mas lalo pa itong makadagdag sa sakit na nararamdaman ni Conor. Paano kaya kami magsisimula ulit? Parang ang layo sa amin ng pag-asa na makamit ang hustisya para sa kanya. "Anak, huminga muna kayo, huwag niyo munang isipin iyan. Mas mabuti sigurong ipagpaliban na muna ninyo ang pag-aasikaso sa bagay na iyan. Alam nating inosente ka, at alam nating hindi natutulog ang Diyos," pinalalakas ni Nanay Romely ang loob