MADGET "TITA, siya nga po pala ang bride's maid ko, si Analisa," pagpapakilala ko sa kaibigan ko kay Tita Yumi. "Ah gano'n ba. Aba'y napaka-ganda mo naman hija," nakangiting wika ni Tita Yumi. "Wala pong jowa iyan tita. Baka gusto mong ireto sa anak ninyo," sabi ko pa. "Hoy, parang sira ito." Hinampas ni Analisa ang kamay ko at nagpabebe pa ang kanyang boses. Kainis. May kaibigan ba talaga akong ganito ka arte? Ang sarap isawsaw sa kumukulong mantika. "Single ako tita, pero...ano ba kasi, Madget. Nakakahiya," sobrang pa-cute ng boses ni Analisa, papunta na sa pagiging pusa. Pinanlisikan ko siya ng mga mata ko at saka umirap. "Hindi naman ako namimili ng mamanugngin hija, basta't masipag..." hindi natapos ni Tita Yumi ang sasabihin niya dahil sumingit si Ana. "May ipapalaba po ba k