MADGET NINE MONTHS LATER "CONOOORRR!" "Bakit?" Nagmadali siyang pumasok sa banyo nang sumigaw ako ng malakas, Sabado ng umaga. "Pumutok na ang panubigan ko!" "Manganganak ka na?" "Malamang," sagot ko sa kanya. Kaagad niya akong binuhat at saka niya ako dinala sa silya sa kusina. "Saglit lang, kukunin ko lang ang susi ng sasakyan. Nay, manganganak na ang asawa ko!" Sigaw niya bilang paghingi ng tulong para sa akin bago siya patakbong kinuha ang susi ng sasakyan sa cabinet. "Dios ko! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya't ayaw kong maniwala sa due date due date na iyan!" natatarantang wika ni Nanay Romely. "Aray! Humihilab!" daing ko habang hawak ko ang tiyan ko. Inalalayan na ako ni Nanay Romely na tumayo upang sa gano'n ay dalhin ako sa sasakyan. "Cora! Iyong bag na nakahanda s