BIANCA Inabot sa akin ni Mateo ang mga dala niyang paper bag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang mahabang puting gown na may mga kristal at disenyong maliit na bato sa tapat ng dibdib. Sa tingin ko, aabot hanggang talampakan ko ang haba nito. Simple yet elegant ang puting gown na binili ni Mateo para sa kasal namin. Tingin pa lang, alam kong kasya ito sa akin, kaya hindi ko na sinukat. Binuksan ko rin ang dalawa pang paper bag. May nakita akong tatlong off-shoulder na bestida na may iba't ibang kulay, kasama ng ilang floral summer dress. Bumili rin si Mateo ng sapatos na katerno ng damit na isusuot ko mamaya. Niligpit ko ang mga pinamili ni Mateo at maging ang mga paper bag. Itinabi ko ang mga ito dahil sayang kung itatapon ko lang. Abala ako sa aking ginagawa nang tumunog