Chapter 14

1596 Words

BIANCA Mabilis na lumipas ang araw. Linggo ng gabi nang bumalik ang grupo ni Jake galing sa operasyon. Hindi na ako makapaghintay na makita siya dahil gusto ko siyang tanungin tungkol sa posibleng alam niya sa dahilan kung bakit bigla na lang nalipat ng destino si James, dahil curious talaga ako sa huling sinabi ni Kuya John nang makausap ko siya. Hindi ko muna tinanong si Jake nang makausap ko siya nang tumawag siya sa akin. Gusto ko kasing mag-usap kami ng personal dahil hindi ko alam kung ano ang sitwasyon niya sa lugar kung saan sila nagronda, kaya ayaw kong guluhin kanyang ang isipan. Kalahating oras ang lumipas nang makarating ang grupo ni Jake sa pansamantalang kampong tinutuluyan nila dito sa barangay. Tumawag agad sa akin si Jake at sinabi niya na papunta na siya dito sa bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD